Katulad ng ABS-CBN, Meralco puwede ring tanggalan ng prangkisa – Sen. Sherwin Gatchalian

Imahe mula sa Meralco
  • Nagbabala si Sen. Gatchalian na maaaring sapitin ng Meralco ang nangyari sa ABS-CBN na hindi nabigyan ng bagong prangkisa
  • Ang babala ng senador ay kaasunod ng sinabi ng Meralco na iaapela nito ang P19 million na ipinataw ng ERC
  • Dapat umanong tanggapin ng Meralco ang penalty at huwag nang umapela

Binalaan ni Senator Sherwin Gatchalian na maaaring tanggalan ng prangkisa ang Meralco matapos nitong umapela sa ipinataw na P19 million penalty dahil sa hindi pagsunod sa advisory ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Imahe mula sa Hot Topics

Kung patuloy itong aapela, posible umanong sapitin din ng Meralco ang nangyari sa ABS-CBN dahil sa hindi nito pagsunod sa order ng ERC na ipaliwanag nang mabuti sa mga customers ang pagtaas ng kanilang monthly electricity bill simula sa kasagsagan noon ng enhanced community quarantine.

Babala ni Sen. Gatchalian, na chairman ng Senate Committee on Energy, maaaring gamitin ng kongreso ang oversight function nito upang rebisahin ang prangkisa ng Meralco kahit hindi pa ito nag-aaply ng franchise renewal.

Dapat umanong tanggapin na lang ng Meralco ang ipinataw na multa sa kanila at huwag nang umapela.

Anang senador, kung tutuusin ay P300 million dapat ang penalty na ipataw.

“Ang payo ko sa kanila huwag na nilang ilaban, kasi para sa akin ito ay isang resonableng pagmumulta sa kanila,” sabi ni Sen. Gatchalian sa isang panayam.

Imahe mula sa Meralco

Kapag lumaban sila i-aadvise natin sa ERC na taasan nila at maghanap pa ng ibang paraan para ma-penalize sila, sabi pa ng senador.

Ipinaalala ng senador sa Meralco at sa iba pang public utilities na ang Kongreso ang responsable sa pagbibigay sa kanila ng prangkisa na maaaring bawiin kung tatanggi ang mga ito na tulungan ang pamahalaan na maibsan ang mga problema na dinaranas ng mga consumers sa gitna na panahon ng COVID-19 pandemic.

Loading…