
- KC Montero, “na-videohan” ang dalawang lumilipad na “dragon” sa Pasig City
- Ang tanong ni KC, paano kaya masosolusyunan iyon ni Mayor Vico Sotto?
- Ang nakatutuwang post ni KC ay kasunod ng mga sunud-sunod na napaulat tungkol sa ostrich, baboy, baka at bayawak na namataaang gumagala sa mga siyudad
Totoo nga yata na may naglalaro sa bansa ng “Jumanji,” isang fictional board game sa pelikulang may kaparehong pamagat kung saan ang mga players ay napupunta sa isang alternate world at ang mga hayop doon ay napupupunta naman sa real world.

Ganito ang nakatutuwang naisip ng mga netizens dahil sunud-sunod ang mga napaulat na hayop na nakitang pagala-gala sa mga siyudad.
Ang una ay ang dalawang ostrich na namataang tumatakbo sa loob ng isang subdivision sa Quezon City. Sinundan naman ito ng balitang nakawala ang isang baboy na nagdulot ng trapiko sa Cebu City. Sa Iloilo City naman ay isang baka ang naglimayon sa kalsada. Isang bayawak naman ang nakitang pagala-gala sa isang subdivision sa Davao City.
Nagdulot ng katatawanan ang mga nasabing balita kaya naman hindi napigilan ng aktor at DJ na si KC Montero na makisali sa katuwaan.
Sa instagram, ibinahagi niya ang “na-videohan” niyang dalawang “dragon” na palipad-lipad sa ibabaw ng Pasig City.

“WTH!! An Ostrich in QC, pig in Cebu, cow in Iloilo and now this in Pasig? Mayor Vico how do you intend to handle this!?” pabirong caption ni KC Montero sa video na ipinost sa Instagram.
Makikita ang isang “dragon” na dumapo pa sa ibabaw ng Tiendesitas shopping mall. Nagbuga pa ito ng apoy. Sa ‘di kalayuan ay makikita ang isa pang lumilipad na dragon na bumuga rin ng apoy.
Maririnig din ang boses niya sa video.
“No way. What is that? What is that? My God, it’s dragon.”

Siyempre, hindi naman tunay na dragon ang ipinost ni KC. Mga CGI lang o computer-generated imagery ang mga iyon.
Gayunpaman, tiyak na nagdulot din ng kasiyahan sa mga netizens ang mga “dragon” dahil umabot na sa mahigit 42, 700 ang views ng video ni KC Montero.