Kiray Celis nasa plano ang makasal kay Stephan: “Kapag nagmahal ka, kailangan pala masaya ka rin”

Image by Stephan Estopia via Instagram
  • Kiray Celis masayang-masaya sa kanyang relasyon sa non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia
  • Napag-uusapan na umano nila ang pagpapakasal
  • Dama niya ang pagka-proud sa kanya ng kanyang boyfriend, kaiba sa nauna niyang nakarelasyon

Masayang ibinahagi ng GMA talent na si Kiray Celis na masayang-masaya siya ngayon sa kanyang relasyon sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia. Sa katunayan ay napag-uusapan na nila, aniya, ang pagpapakasal.

Image by Stephan Estopia via Instagram

Pagkukuwento ni Kiray sa PEP, sobra na umano silang sigurado sa isa’t-isa at may basbas na ang kani-kanilang mga magulang sa kanilang relasyon.

Aniya, “So, parang napag-uusapan naman namin. Biro mo, sa aga namin, seven months pa lang kami pero parang napag-uusapan namin ‘yung kasal.”

Nabanggit din niya ang plano nilang manirahan sa ibang bansa yamang naroon ang pamilya ng kanyang nobyo; pero dagdag ng aktres, binibigyan pa niya ang kanyang sarili ng apat na taon bago tuluyang magpakasal; mga panahon aniya na handa na rin siyang magkaanak.

Pagkukuwento pa ng GMA talent, pareho sila ni Stephan na nanggaling sa pakikipaghiwalay sa mga dating kasintahan at nagmo-move-on nang magkakilala.

Wika niya, “Dun namin na-realize, and siya na-realize din niya, habang kami pala nung mga taong mahal namin, nagmu-move on na pala kami.

“Hinihintay lang namin ‘yung tamang panahon hanggang sa mapagod kami, para wala kaming pagsisisihan. Hinintay namin ‘yung time na mapagod na kami, pero mahal namin, pero hindi na pala kami masaya.”

Dama rin umano niya ang pagka-proud sa kanya ng kanyang nobyo na nagpo-post pa ng kanilang larawang magkasama sa social media na kaiba sa nauna niyang naging karelasyon.

Kaya’t nagdesisyon siyang ipakilala na rin ang kanyang nobyo sa publiko, “Sabi ko, ‘Ang guwapo naman ng dyowa ko, bakit hindi ko naman ipagmalaki, ‘di ba?’ So, kapag nagmamahal ka, kailangan pala masaya ka rin. Hindi puwedeng mahal mo lang.”

Image by Stephan Estopia via Instagram

Wala man daw ligawang naganap sa pagitan nila, masasabi na ni Kiray na si Stephan ang nakatadhana para sa kanya.

“Walang ligaw sa akin. Basta first week ng December [naging kami]. Nanligaw po siya sa parents ko. Hehehe.”

Image by Stephan Estopia via Instagram
Source :

PEP, PhilNews

Loading…