Korina binigyan ng “joint birthday celeb” ang mga kasambahay

Image by Korina Sanchez via Instagram
  • Korina Sanchez malaki ang pasasalamat sa kanilang mga kasambahay
  • Ipinag-shopping niya ang mga ito at nilibre ng lunch sa mamahaling restaurant
  • Nagkuwentuhan din sila at napag-usapan pa ang love life ng mga kasambahay

Malaki ang pasasalamat ng kilalang mamamahayag na si Korina Sanchez sa kanilang mga kasambahay kaya’t binigyan niya ang mga ito ng bonggang “joint birthday celebration”.

Nag-shopping sila sa isang sikat na clothing brand store at nag-takeout pa ng masasarap na pagkain mula sa kilalang restaurant.

Image by Korina Sanchez via Instagram

Pagbabahagi niya sa Instagram, “Went out in full battle gear (took off face shield and mask for the photo lang poh) to Uniqlo to shop a bit for them. Saya nila. And then…..lunch is Din Tai Fun takeout! Salted egg shrimp, truffle yang chow fried rice, spicy crab xiaolongbao and Hot Prawn Salad , crispy beef strips…..and many more hahaha! Din Tai Fung also delivers!”

Kitang-kita umano niya ang kasiyahan ng mga ito at nagkuwentuhan pa sila. Napag-usapan nila ang love life ng mga kasambahay, pero sinabi niyang “censored” ang mga ito kaya’t hindi na niya ibinahagi pa.

Saad ni Korina, pambawi niya ito sa kanilang kasambahay na sina Gerlan at Jesselyn dahil madalas niya silang sermunan; pagbibiro niya.

Sa kabila nito, aminado siyang katungkulan ng mga amo na ipagdiwang ang buhay ng mga kasambahay dahil ang pagkakaroon ng mabubuting kasambahay ay matatawag aniyang “BestLife”.

Image capture from Instagram post by Korina Sanchez

Rated Kapatid

Malakas ngayon ang bulung-bulungan na sa Kapatid Network lilipat si Korina at magkakaroon ng programa na kahalintulad ng kanyang magazine show sa ABS-CBN.

Kung totoo man ito, pahayag ni Ricky Lo sa kanyang kolum sa Philippine Star, malaki ang maiaambag niya sa plano ni TV5 chairman Manny Pangilinan na palakasin ang entertainment content ng network.

Kagaya ni Ces Drilon, nauna nang naiulat na nakatanggap ng “letter of termination” si Korina mula sa ABS-CBN.

Image by Korina Sanchez via Instagram

Loading…