Kris Aquino inalala ang ‘3 years of borrowed time’ kasama si Ninoy

Image by Kris Aquino via Instagram
  • Inalala ni Kris Aquino ang “3 years of borrowed time” nila ng kanyang ama na si former Sen. Ninoy Aquino
  • Nagkaroon umano sila ng buwanang “just the 2 of us” moments kung saan nagbu-book shopping at ice cream dates sila
  • Binalikan niya ang tagpo kung saan nanood sila ng “Return of the Jedi”

Binalikan ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang ilan sa mga masasayang alaala nila ng kanyang ama at democracy icon na si former Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na aniya’y “3 years of borrowed time”. Ginawa niya ito nitong August 21, 2020, bilang pag-alaala sa ika-37 anniversary ng pagyao ng kanyang ama.

Photo from Wikimedia Commons

Pagbabahagi ni Kris sa Instagram, isang taon at pitong buwan pa lamang siya noong nakulong ang kanyang ama. Kaya’t nang nagkaroon ng pagkakataon para sila’y magkapiling, ginawa ni Ninoy ang lahat para makuha ang kanyang loob at pagmamahal.

Saad nito, dinaluhan ng kanyang ama ang lahat ng programa nila sa paaralan kasama si former Pres. Corazon Aquino at chinarm ang mga madre na nagtuturo sa paaralan.

Nagkaroon din umano sila ng buwanang “just the 2 of us” moment kung saan magkasama silang nagsa-shopping ng libro at nagsasagawa ng ice cream dates.

Inalala rin ni Kris ang panonood nila ng kanyang ama ng “Return of the Jedi” at kinailangan pa nilang makipila nang nasa apat na oras sa opening day nito.

Dito, kinapanayam siya ng mga media, naging excited ang kanyang ama at dahil wala pang cellphone ay umuwi ito para sabihan ang kanyang ina na i-record ito sakaling mapili siyang itampok.

Nang umuwi na sila, pinanood nila ang rekord ng kanyang interview at hindi niya aniya makalilimutan ang pride sa mukha ng kanyang ama.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

“From my parents i have learned that the strength and resiliency of our children, and their determination to work hard to fulfill their ambitions will come from the love & encouragement they saw in the eyes of their parents.”

Wika pa ni Kris, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang ama dahil hinayaan siya nitong mangarap at halos lahat sa mga pinag-usapan anila ay nagkatotoo.

Aniya, “Isa na lang ang utang ko sa kanya…”

Source :

Instagram

Loading…