Kris Bernal inaming na-in love noon kay Aljur Abrenica

Imahe mula sa Instagram | Kris Bernal
  • Umamin si Kris Bernal na na-in love siya noon sa on screen partner na si Aljur Abrenica
  • Hindi nauwi sa totohanan ang kanilang love team dahil may girlfriend noon si Aljur
  • Ngayon ay kasal na si Aljur kay Kylie Padilla at may dalawa na silang anak habang si Kris naman ay engaged na sa boyfriend na si Perry Choi

Inamin ng aktres na si Kris Bernal na bagama’t hindi nauwi sa totohanan ang on screen partnership nila ng aktor na si Aljur Abrenica ay na-in love siya rito.

Imahe mula sa Instagram | Kris Bernal

“Nung nag-work kami, aaminin ko, na-in love ako sa kaniya pero may girlfriend siya. Hindi naman ako ‘yong type ng tao na porke’t type kita, maninira ako,” paliwanag ni Kris sa kaniyang vlog kung saan nag-mukbang siya habang sinasagot ang tanong ng netizens.

“Kung mapapansin n’yo, wala akong ganung issue pagdating sa mga lalaki. Kahit nai-in love ako sa’yo, mataas ang respeto ko sa relationship mo.”

Dagdag pa ni Kris, madalas niyang nakakasama ang aktor sa mga sweet na eksena kaya naman hindi niya napigilang mahulog ang loob dito.

Imahe mula sa Instagram | Aljur Abrenica

“Araw-araw ko ba naman kasi kasama. Tapos yung eksena ninyo, lahat sweet-sweetan. When you’re acting, may truth dun eh. You have to feel ‘yong truth sa heart mo while you’re acting eh. Ganon ako as an artista. Kailangan may hint of truth sa mga ginawa ako.”

Wala rin daw siyang naka-relasyon na ka-love team noon dahil sineseryoso niya ang kaniyang trabaho.

“Wala akong naging boyfriend na ka-love team kasi alam ko rin yung limitation ko. Work is work. Pero may mga naka-fling ako. Bahala kayong manghula,” aniya. “Alam n’yo ba pag taping, sobrang seryoso ako, in character talaga ako. Kaya wala akong masyadong friends sa mga nakakatrabaho ko kasi masyado kong fini-feel yung character ko.

Engaged na ngayon si Kris sa kaniyang boyfriend na si Perry Choi habang si Aljur naman ay kasal at may dalawa nang anak kay Kylie Padilla.

 

Source :

YouTube

Loading…