Lalaki gumamit ng serbesa para mailigtas ang tindahan, bahay sa pagkasunog

Photo from Pixabay
  • Lalaki sa California, gumamit ng serbesa para apulahin ang apoy
  • Tagumpay niyang nailigtas ang kanyang tindahan at bahay
  • Nasunugan na umano siya ng bahay limang taon na ang nakararaan at ayaw na niya itong mangyari pa

Isinakripisyo ng isang lalaki ang kanyang mga panindang serbesa para maisalba ang kanyang tindahan at bahay sa tuluyong pagkatupok ng apoy, at tagumpay naman niya itong nagawa.

Photo from Pixabay

Pagkukuwento ni Chad Little sa NBC-affiliate na KCRA, malapit na sa kanilang tahanan ang apoy nang magdesisyon siyang manatili upang apulain ito samantalang ang kanyang pamilya ay naghanda na para lumabas ng bahay.

Aniya, una niyang naisip na gamitin ang water hose pero walang kuryente nang mga pagkakataong iyon kaya’t hindi ito pupuwede.

Sinubukan niyang mag-rake ng mga damo para mapahina ang paglagablab nito hanggang sa makita niyang unti-unti nang nakokonsumo ang kanyang sasakyan at nagsisimula na rin sa kanyang tindahan.

Napalingon si Chad sa mga de-latang serbesa at ito na nga ang ginamit niya para mapahupa ang apoy.

Wika niya, “When I ripped up the sheet metal, it had a nail, so I was just shaking it up, popping it and spraying them. I was popping it out and grabbing another one.”

Sa kabutihang palad, naapula niya ang apoy bago pa man dumating ang mga bumbero.

Sinabi pa nito na naranasan na rin niyang masunugan ng tahanan limang taon na ang nakalilipas at hindi na niya ito papayagang mangyari pang muli.

Photo from Pixabay

“Then this happens? I’m like, ‘No, I can’t. I can’t let it go.”

Unti-unti niyang ipinatayo muli ang kanilang bahay na inaasahang matatapos ngayong taon.

Talagang may mga pagkakataon na kapag tayo ay nasa isang mapanghamong sitwasyon na nakagagawa tayo ng mga bagay na mukhang imposible. ‘Yan ay tinatawag na adrenaline rush. Kaya mo ba ang ginawa niya?

Photo from Pixabay

Loading…