Lalaki na ipinang-negosyo ang P5-K ayuda pinuri ng kanilang alkalde

Image by Mayor Abby via Twitter
  • P5,000.00 ayuda na natanggap ng padre de pamilya, ipinang-negosyo
  • Kumikita na siya ngayon ng arawang P500.00 hanggang P600.00
  • Pinapurihan pa siya ni Mayor Abigail Binay

Pinatunayan ni Mang Mario Lutang, 42, na kung may pintuan mang magsasara ay may panibago namang magbubukas. Naging matagumpay kasi ang negosyong ipinundar niya mula sa ayudang natanggap ngayong pandemya at pinapurihan pa ng kanilang alkalde na si Makati City Mayor Abigail Binay.

Image by Mayor Abby via Twitter

Kabilang si Mario sa mga nawalan ng pagkakakitaan dahil sa COVID-19, kagyat naman siyang naghanap ng mga panibagong mapagkakakitaan para sa pamilya pero ang suwerte ay naganap nang makatanggap ng P5,000.00 ayuda mula sa P2.7-billion financial relief program ng Makati City government (MAKA-tulong program).

Mayroong background ang padre de pamilya sa pagwe-welding dahil sa holder siya ng vocational course dito at ito rin ang naging trabaho niya bago ang pandemya; kasanayang nagamit niya sa paggawa ng fishball cart sa loob ng limang araw.

Pahayag nito, nagamit niya ang P5,000.00 para lamang sa materyales ng cart kaya’t humiram siya ng pera mula sa kanyang asawa para ibili naman ng mga paninda — fish ball at refreshments.

Nagsimula siyang magbenta noong July 15 sa Land Transportation Office (LTO) sa Makati at Makati City Hall. Kumikita na siya ngayon ng arawang P500.00 hanggang P600.00 na malaking tulong para sa pamilya.

Nagpapasalamat ngayon si Mario sa city government ng Makati sa kaloob mula sa Makatulong P5K program kaya’t pinangalanganan niyang “Katas ng Makatulong” ang food cart.

Image by Mayor Abby via Twitter

Payo niya sa mga kapwa #ProudMakatizens, “Maging masipag at huwag mawalan ng pag-asa.”

Dahil dito, pinapurihan siya ni Mayor Binay.

Anang alkalde, “I am humbled and amazed by the determination and perseverance of Mr. Mario Lutang. He had the foresight to use the city’s cash assistance to generate sustainable income for him and his family. On behalf of the city government, we applaud you.”

Image from the Makati City government

Loading…