Lalaki sa ibang bansa gumawa ng bahay gamit ang 11 cargo containers

  • Ikinamangha ng mga netizens ang isang bahay sa USA
  • Sa halip kasi na sa semento at iba pang tipikal na materyales likha ang bahay, gawa ito sa pinagpatong-patong na cargo containers
  • Gumamit ang may-ari nito ng 11 piraso ng malalaking cargo containers na kadalasang ginagamit na lalagyan para sa malalaking shipment

Nakakita na tayo ng bahay na iba-iba ang laki, disenyo, at tema subalit sinong mag-aakalang maaari palang gawing isang maganda at magarang bahay ang mga cargo containers?

Ibinahagi sa Facebook page na “Home Junkie” ang kakaibang bahay ng isang lalaki sa Houston, USA na yari sa 11 cargo containers na pinagpatong-patong nang maayos; at kung titingnan ang loob nito, tiyak na mapapamangha dahil moderno ang pagkakagawa at tunay ngang napakaganda!

Imahe mula sa Facebook page na Home Junkie

Ayon sa caption, “well-equipped” daw ang naturang bahay na garantisadong matibay. Hindi naman naiwasan ng mga namanghang netizens ang mag-iwan ng komento hinggil dito.

“I’ve seen these executed so much better. This literally looks like a junkyard pile of containers. But if that’s your cup of tea…. Also, the lack of windows makes the inside way too dark for me. Light is so important,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “I love the whole idea the whole thing have to be one color other then that great an recyclable idea.”

“It’s a great idea and great interior . One problem is the lack of windows but generally, I really love it. It’s an amazing creation,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “The inside looks exactly as I imagined it -confined and boxy. Feel sorry for the neighbors living next to an undisguised storage depot. One of our neighbors built his house from one container and clad the outside in vertical board – looks great.”

Imahe mula sa Facebook page na Home Junkie

Ang mga cargo containers ay ginagamit sa mga ten-wheeler trucks kapag may idi-deliver para sa mga malalaking shipment. Sa Pilipinas, wala pang makikitang kagaya ng itinampok na bahay sa USA.

Tingnan natin, baka ikaw na ang susunod na magpapagawa ng ganiyang uri ng bahay, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…