Locsin binalaan ang China kapag nag-spill over sa ‘Pinas ang naval drill: “Expect the worst”

Imahe mula sa Navy Times
  • Binalaan ni Sec. Locsin ang China oras na mag-spill over sa teritoryo ng ‘Pinas ang ginagawang naval drill
  • Hindi niya umano mapapayagan ang sinuman na labagin ang teritoryo ng bansa
  • Pabor din ang kalihim na putulin ang ugnayan ng ‘Pinas at mga kumpanyang nasa US blacklist

Tahasang binalaan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang Beijing kapag nag-spill over sa teritoryo ng Pilipinas ang ginagawang naval exercises ng China kung saan nagpakawala ito ng ballistic missiles sa pinag-aagawang karagatan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng military exercise ang China malapit sa Paracel Island at tinatayang aabot sa apat na missile ang pinakawalan umano nito kabilang na ang ‘intermediate-range DF-26B’ at ‘medium-range DF-21D missile’.

Imahe mula sa Yahoo News

Ayon kay Locsin, kaagad niyang tiningnan sa mapa ang lugar kung saan isinasagawa ang drill upang malaman kung sakop ito ng teritoryo ng ating bansa.

“I immediately consulted the map and it was clear the naval exercises did not take place in the coordinates of our Philippine territory,” ani Locsin sa panayam ng CNN Philippines.

BASAHIN: Chinese companies na gumawa sa West PH Sea artificial island, blacklisted ng US

“However, I warned, and this kind of irritated Beijing, should these exercises spill over to my territory then they must expect the worst,” dagdag pa nito.

Giit pa ng kalihim, hindi niya mapapayagan ang sinuman na labagin ang teritoryo ng Pilipinas.

Pabor din umano siya na putulin na ang ugnayan ng Pilipinas sa mga kumpanyang na-blacklist ng Estados Unidos dahil sa pagiging bahagi ng mga ito sa pagbuo ng artificial island sa West Philippine Sea.

Imahe mula sa India TV News

Nitong linggo, umabot sa 24 Chinese companies ang na-blacklist ng US – kabilang na ang China Communications Construction Company (CCCC) at China Electronics Technology Group Corporation – dahil sangkot umano ito sa paggawa ng mga isla sa WPS kung saan pinaniniwalaang tinayuan ng Beijing ng mga ‘air defense at anti-ship missile’ structures.

“If they are in any way involved in the reclamation, then it becomes consistent on our part to terminate any contract with them,” wika ni Locisn.

Subalit kailangan din umanong maging maingat ang Pilipinas dahil maaari silang ihabla ng mga kumpayang ito kapag mayroon silang kasalukuyang kontrata sa gobyerno.

Loading…