Lolit Solis naniniwalang walang masamang intensyon si Sarah Balabagan sa isiniwalat tungkol kay Arnold Clavio

Mga imahe mula sa Facebook. Instagram
  • Sa tingin ni Lolit Solis ay wala namang masamang intensyon si Sarah Balabagan sa pagsisiwalat na si Arnold Clavio ang ama ng panganay na anak
  • Marahil daw ay nais lang ni Sarah Balabagan ng ‘acknowledgement’ mula kay Igan
  • Nanawagan si Lolit Solis sa publiko na huwag gamitin ang isyu upang ipanawagan na matanggalan ng trabaho si Igan

Naniniwala ang entertainment news writer at TV personality na si Lolit Solis na walang masamang intensyon si Sarah Balabagan sa ginawa niyang pagbubunyag na si Arnold Clavio nga ama ng panganay na anak na babae.

Screenshot mula sa GMA video

Posible raw na ang habol ni Sarah Balabagan mula kay Arnold Clavio ay “acknowledgement.”

“Siguro ang hinabol lang kaya naungkat ang issue iyon acknowledgement. Siguro wala naman masamang intensyon bakit nga binuksan pa uli ngayon,” bahagi ng post ni Lolit Solis sa Instagram noong Linggo, August 30.

Sa Facebook Live video na ginawa niya noong August 21, sinabi ni Sarah Balabagan kung bakit niya ginawa ang pagbubunyag sa bagay na naganap 22 years na ang nakararaan. Aniya, lumutang daw kasi ulit ang maling balita hinggil sa pagkakakilanlan ng ama ng panganay na anak at panahon na upang itama ang mga haka-haka.

Nanawagan si Lolit Solis sa mga netizens na sana naman ay huwag gamitin ang isyu sa pagitan ng dalawa upang ipanawagan na alisin sa kanyang trabaho si Arnold Clavio. Naniniwala siya na hindi naman ganoon ang nais mangyari ni Sarah Balabagan.

Imahe mula sa Akosiigan Instagram page

“Sana naman huwag ng gawin issue para mawalan ng trabaho ang isang tao na palagay ko hindi naman iyon ang gusto kung bakit inungkat uli ang pangyayari sa buhay nila,” aniya.

Sana raw ay maging parehas ang publiko sa paghuhusga at pagbibigay ng komento. Ang mga nagkasala at nagkamali ay maaari naman daw patawarin at bigyan ng second chance.

“Please be fair to Arnold Clavio, sayang ang talento niya para mawala dahil lang sa iniisip ng marami na naging pagkakamali niya.”

BASAHIN: “He’s a good man”: Lolit Solis defends Arnold Clavio over Sarah Balabagan revelation

Hayaan na lang daw si Sarah at Arnold na ayusin ang isyu sa pagitan nilang dalawa.

Source :

Instagram, MSN

Loading…