Lovely Abella inaming tinamaan ng COVID

Imahe mula sa Instagram | Lovely Abella
  • Ibinahagi ng komedyanteng si Lovely Abella na nag-positibo siya sa COVID-19
  • Hindi raw nila ito isinapubliko dahil sa online business nila ngunit tiniyak niyang naka-isolate siya at ang fiancé na si Benj Manalo muna ang nag-asikaso nito
  • Ngayon ay mabuti na ang kalagayan ni Lovely at doble na rin ang pag-iingat upang ‘di muling dapuan ng virus

Inamin ng komedyanteng si Lovely Abella na nag-positibo siya sa COVID-19 ngunit ngayon ay mabuti na ang kaniyang lagay.

Imahe mula sa Instagram | Lovely Abella

Paliwanag ni Lovely sa PEP sa isang virtual presser na ginanap kamakailan, pinili niyang ‘wag itong isapubliko dahil sa kaniyang online business. “Nag-ingat lang po ako kasi may paninda ako. May Lovely Cosmetics ako kaya hindi po namin inilabas,” aniya.

Tiniyak naman ni Lovely na nag-isolate siya at ang fiancé na si Benj Manalo ang nag-asikaso ng orders habang nagpapagaling siya.

Kuwento niya, nagpa-swab test sila nang makaranas ng sintomas ng COVID ang kanilang kasambahay.

“Nawalan po siya ng pang-amoy at panlasa ng pagkain, in-isolate po namin siya. Kinabukasan po, pina-swab test ko po siya na magkasama kami ni Benj para makampante ako. Ako po ‘yong nag-positive. Sila po, negative,” paglalahad niya.

Imahe mula sa Instagram | Lovely Abella

Noong una raw ay naapektuhan siya nang husto at wala siyang ginawa kundi umiyak dahil nag-alala siya para sa kaniyang anak. “Dahil nga po asymptomatic ako, hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko. Hindi ko alam kung paano ma-prevent para hindi ho sila mahawaan.”

Asymptomatic si Lovely kaya nag-isolate lamang siya sa loob ng dalawang linggo. Matapos ang dalawang linggo ay tinawagan niya raw ang doktor at sinabihan siya nitong kung wala nang sintomas ay hindi niya na kailangang magpa-swab ulit. “Ngayon, tapos na po ako sa isolation ko. Okay naman po. Si Benj, wala naman pong problema.”

Matapos ang hinarap na pagsubok ay naging mas maingat daw si Lovely.”Dini-disinfect lahat na pumapasok sa bahay. May mga UV light po kami. May mga air purifier, lahat…Kaya okay na po ako ngayon.”

 

 

 

Source :

PEP

Loading…