LRT 1 operator ipinagpaliban muna ang pagtanggal sa mahigit 100 empleyado

Imahe mula sa PNA
  • Ipagpapaliban muna ng LRMC ang pagtanggal sa 20 porsiyento ng kanilang workforce
  • Mahigit sa 100 empleyado sana ang maapektuhan na karamihan ay mga technician at teller
  • Dati nang nakiusap si Sec. Tugade sa ibang ahensiya na bigyan ng trabaho ang mga matatanggal sa LRT-1

Nagpasiya ang operator ng Light Railway Transit (LRT) 1 na ipagpaliban muna ang retrenchment sa mahigit 100 empleyado nito matapos bumaba ang bilang ng sumasakay sa tren bunsod ng umiiral na pandemiya sa bansa.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), hindi na muna nila itutuloy ang pagtanggal sa 20 porsiyento ng kanilang workforce matapos makatanggap ng suporta mula sa Department of Transportation (DoTr) para masolusyunan ang kinakaharap na problema.

Imahe mula sa Wikipedia/ Korea Rail Fan

“While the factual basis behind the redundancy program remains legally valid, LRMC is putting it on hold, for now, to allow the company to recalibrate strategies and continue supporting team members and government partners as long as it can,” ayon sa pahayag ng kompanya nitong Huwebes.

Magugunitang nakiusap si Transportation Secretary Arthur Tugade sa Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Metro Rail Transit-3 na tanggapin ang mga empleyadong matatanggal sa LRT-1.

Kawawa umano ang mga naapektuhang trabahador dahil may pandemiya na ay mawawalan pa sila ng trabaho.

“We must look into the possibility of absorbing them as quickly as we can. Huwag natin silang pabayaan . It’s the least and most humane thing we can do for them at this time,” ayon sa kalihim.

Imahe mula sa DOTR-Facebook

Iginiit naman ng pamunuang LRMC na patuloy silang nakikipagpulong sa mga kinatawan ng gobyerno at sa kanilang mga shareholders.

“The Light Rail Manila Corporation has always remained committed to protecting the safety and well-being of its people. We continue to work with our shareholders on strengthening our company and engaging in dialogues with the government,” wika ng LRMC.

Karamihan sa maapektuhang trabahador ay mga technician at teller. Nakatakda na sanang magsimula ng retrenchment sa darating Steyembre 15 bago ito binawi ng operator ngayong linggo.

Loading…