Luis Manzano, Long Mejia magsasama sa isang online show

Imahe mula sa ABS-CBN
  • YouTube channel ni Luis Manzano muling bubuhayin sa pamamagitan ng bagong online show
  • Si Long Mejia ang makakasama ni Luis sa naturang show na ang tema ay public service na may halong katatawanan
  • “Lucky’ng Tulong” ang pamagat ng online show

Muling bubuhayin ni Luis “Lucky” Manzano ang YouTube channel niya na ang huling video ay noong Pebrero pa ng nakaraang taon.

Imahe mula sa Instagram ni Luis Manzano

Sa Instagram account niya, sinabi ni Luis na magkakaroon siya ng online show kasama ang komedyanteng si Long Mejia na siguradong laughtrip daw.

“Inaayos na namin vlog/online show namin. Eto Na. Sobrang kulitan ‘to. Magiging show talaga ‘to. “Lucky’ng Tulong coming soon. Link in Bio. Laughtrip ‘to hahahaha,” unang Instagram post ni Luis patungkol sa gagawing show.

Matagal ding nagkasama ang dalawa sa “Minute To Win It” game show ng ABS-CBN na base sa American game show na may parehong pamagat kung saan si Luis ang game show host, samantalang si Long naman ay isa sa mga mainstays na nagbibigay ng comic relief sa programa.

Batay sa sumunod na Instagram post ni Luis, ay isang public service show kung saan maaaring magpadala ang publiko ng kanilang mga hinaing at problema na bibigyan nila ng solusyon.

Ang show nila ang magiging takbuhan daw ng mga feeling dehado. Mga problema man ang tatalakayin sa show ay tiyak raw na mapupuno iyon ng mga katatawanan.

Screenshot mula sa “Minute to Win It” show ng ABS-CBN

“Eto na online show naming. Soon! Naagrabyado ka ba? Napupundi ka na ba? Pwes, ito ang takbuhan ng mga feeling dehado,” post ni Luis.

“Reklamo mo sa buhay o sa kapitbahay, may solusyon. Ako at si Long ang aayos d’yan,” sabi pa niya.

Ang mga reklamo ay maaring ipadala sa  [email protected]@gmail.com.

“You’re LUCKY dahil dito may tuLONG,” sabi pa ni Luis na binigyang-diin ang pangalan nilang dalawa.

Nagbahagi pa si Luis ng poster ng isang American movie – ang White House Down – pero ang mga mukha nilang dalawa ni Long ang ipinalit sa mga American actors  na sina Channing Tatum at Jamie Foxx.

Imahe mula sa Instagram/White House Down poster
Source :

Instagram, Push

Loading…