Lumang sapatos ni Michael Jordan naibenta sa auction sa halagang P30-M

Imahe mula sa Forbes
  • Isang lumang sapatos ni Michael Jordan ang naibenta sa auction sa halagang $615,000
  • Binasag nito ang dating record ng una niyang sapatos na naibenta rin sa kaparehong auction
  • Indikasyon umano ito ng panibagong interes ng publiko sa NBA legend matapos ipalabas ang kaniyang ‘The Last Dance’ documentary sa Netflix

Isang lumang sapatos ni ‘His Airness’ Michael Jordan ang naibenta sa halagang $615,000 (halos P30-M) sa isang auction ng Christie’s nitong Huwebes.

Ang maalamat na sneakers – isang pares ng size 13.5 na Air Jordan 1 High – ay sinuot ng NBA legend sa isang exhibition game sa Italy noong 1985. Ang nasabing exhibiton game ay sponsor ng Nike kung saan umiskor dito si Jordan ng 30 points.

Imahe mula sa BBC

“This is the original shoe with an actual piece of the backboard, a piece of glass, in the sole of the shoe,” ani Caitlin Donovan, head ng handbag and sneaker sales sa Christie’s.

Ang halaga ng Air Jordan 1 High na $615,000 ay nabasag ang dating record ng una niyang sapatos na naibenta rin ng Christie’s ilang buwan na ang nakararaan, subalit mas mababa ito kaysa sa inaasahang $650,000 – $850,000 estimated range.

Imahe mula sa TalkBasket

Ang pinakahuling record ng mga naibentang sapatos ng dating Chicago Bulls superstar ay isang indikasyon ng panibangong interes ng publiko kay Michael Jordan matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng kaniyang ‘The Last Dance’ documentary sa Netflix.

Si Jordan, isang 5-time MVP a 6-time NBA champion, ay siyang itinuturing na ‘greatest of all time’ (GOAT) sa larangan ng basketball at isa sa pinakamayaman at pinakamaimpluwensiyang atleta sa buong mundo.

Ang kaniyang pangalan, para sa maraming Pinoy noong 1990s, ay kasingkahulugan na ng basketball.

Loading…