Macoy Dubs nakatanggap ng surpresa mula sa “Julie’s Bakeshop”

  • Nakatanggap si “Auntie Julie” ng surpresa mula sa Julie’s Bakeshop
  • Kinagiliwang karakter ito ng social media influencer na si Macoy Dubs
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Isa sa mga kinagigiliwan ngayong social media influencer ang dating OFW na si Macoy Averilla na mas kilala ngayon bilang si “Macoy Dubs” dahil sa kaniyang mga nakatutuwang content na nakapagdudulot ng ngiti sa mga mahihilig bumabad sa social media at manood ng mga nakatutuwang videos.

Bukod sa dubbing, tumatak sa mga netizens ang kaniyang karakter na si “Auntie Julie,” na isang sosyal na mommy na nag-aral sa Poveda, isang kilalang eksklusibo at pribadong paaralan para sa mga elitista o “nakaaangat sa buhay.”

Bentang-benta sa mga netizens ang kaniyang “monologo” kung saan ipinakikita niya ang tipikal na pamumuhay nila. Ngunit kamakailan lamang, inihayag niya na pansamantala munang mamamahinga si Aunt Julie.

Public Domain Image

Matapos lamang ang ilang araw, nakatanggap ng surpresa si Macoy mula sa “Julie’s Bakeshop.” Maaaring natuwa ang bakeshop dahil sa pagkakagamit ni Macoy sa pangalang “Julie” na maaaring nakatulong sa promotion nito.

“Thank you for loving and supporting Auntie Julie, @juliesbakeshop. She will eat this for merienda. #JuliesBakeshop #JuliesDelivers,” ayon sa kaniyang Facebook post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Auntie Julie, it’s good na you didn’t wear your pearls ha, syempre, you’re outside. Stay safe, Auntie! Ang sugar level bantayan,” pabirong saad ng isa.

Wika naman ng isa, “Auntie, it is best paired with coffee. I bet Cassandra will love those sweet treats! Enjoy your Juliecious merienda, Auntie Julie!!!” Si Cassandra ay ang kunwaring bunsong anak na babae ni Auntie Julie.

“You have always been my happy pill, Aunt Julie! Stay safe and sound!” sabi naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page ni Macoy Dubs

Sa hiwalay na Facebook post, inalok ni Auntie Julie ang kaniyang mga followers ng kaniyang masarap na meryenda mula sa bakeshop.

“Merienda tayo, anak. Parang tita mo na may dalang tinapay na may palamang tsismis. Eme,” ayon sa caption niya.

Namimiss mo na rin ba si Auntie Julie?

Loading…