Mag-ingat sa mga scammers na tumatarget sa GCash ng SAP beneficiaries – DSWD

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Nagbabala ang DSWD laban sa mga scammers na target malimas ang cash assistance na ibinibigay sa mga beneficiaries
  • Ang scammer ay nagpapanggap na taga-DSWD at hihingin ang M-PIN ng GCash account ng bibiktimahin
  • Nagbabala na rin ang pamunuan ng GCash laban sa modus

Nagbigay ng babala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga scammers at fraudsters na sinasamantala ang COVID-19 pandemic upang masimot ang cash assistance ng mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP).

Imahe mula sa DSWD

Kuwento ng isang biktima, masaya siya nang matanggap ang text na nagsasabing pumasok na sa GCash account niya ang P6,500 na ayuda mula sa 2nd tranche ng SAP mula sa DSWD.

“Masaya kasi makakabayad na sa utang, makakabili ng gatas saka bigas,” sabi ni Hanekah Robles na residente ng Bulacan.

May natanggap din daw siyang text mula sa nagpakilalang taga-DSWD at hiningi sa kanya ang M-PIN (mobile identification number) ng GCash account niya dahil pitong araw na lang ay mag-e-expire na umano ang account niya.

Nang kukubrahin na ni Hanekah ang cash assistance ay natuklasan niyang nalimas na ang pondo ng GCash account niya.

“Masikip ang dibdib ko kasi pera na naging bato pa,” laking panghihinayang na nasambit ng biktima.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ayon sa DSWD, ang GCash ay isa sa mga katuwang nila sa pamamahagi ng cash assistance kabilang ang tatlong bangko at dalawa pang electronic money issuer.

Nilinaw ng ahensya na hindi sila tumatawag sa mga beneficiaries upang hingin ang M-PIN at one-time password.

“Nakakalungkot na may mga unscrupulous individuals or groups who are taking advantage of this pandemic at itong pinagdadaanan natin crisis para sa kanilang personal or indibidwal na interes. Hinihikayat natin ang publiko, particularly ang ating beneficiaries na kung merong individuals or groups na hinihingi ‘yung kanilang m-pin or OTP ipagpaalam po sa DSWD para po agaran nating maaksyunan,” ani DSWD spokesperson Irene Dumlao.

Ang GCash ay nagbigay din ng paalala sa mga customers nila na mag-ingat sa mga scammers.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“Scammers and fraudsters are using the COVID-19 pandemic to get personal details and/or funds from consumers. We would like to remind our customers that when resolving your concern, we will never ask for the following details:  MPIN (4-digit code GCash password); OTP (6-digit one-time password for bank transactions); GCash Mastercard CVV (3-digit PIN behind the card).”

Nagbabala rin ang Globe GCash laban sa pekeng Facebook page na “GCash DSWD SAP.”

Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…