Maine Mendoza mapapanood na rin sa TV5

  • Nasa TV5 na rin si Maine Mendoza
  • Mapapanood siya sa isang bagong show
  • Pang-anim na si Maine sa mga host ng Eat Bulaga na mapanonood sa TV5, gaya ng Team JoWaPao, Ryan Agoncillo, at Pauleen Luna

Mapapanood na rin sa TV5 Kapatid Network ang phenomenal superstar na si Maine Mendoza.

Nakatakdang maglunsad ng walong bagong shows ang Kapatid Network sa Agosto 15, 2020, subalit hindi pa pinapangalan o ipinasisilip ang nakatakdang show ni Maine, na unang nakilala sa kaniyang mga Dubsmash videos niya,

Public Domain Image

Naging dahilan naman ito upang maisama siya sa masayang barkadahan ng “Eat Bulaga” at mabigyan ng role bilang si Yaya Dub. Dito nabuo ang tambalan nila ni Alden Richards na nakilala bilang “AlDub;” at ‘ika nga sa kasabihang Ingles, and the rest is history dahil naging phenomenal ang kanilang tambalan dahil sa kasikatan ng “Kalyeserye.”

Pang-anim na si Maine sa mga host ng Eat Bulaga na mapanonood sa TV5. Nauna na rito sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na kilala sa tawag na “JoWaPao” team.  Nariyan din ang misis ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen Luna na makakasama naman ng mga dating Kapamilya Stars na sina Pokwang at Ria Atayde sa morning show. Muli namang magho-host si Ryan Agoncillo para sa “Bangon Talentadong Pinoy.”

Nakatakda umanong buhayin ng TV5 ang kanilang entertainment content, lalo’t sila na ang makakatapat ng GMA Kapuso Network sa free TV matapos ibasura ng Kamara ang bagong prangkisa ng ABS-CBN Kapamilya Network, na umeere pa rin naman sa cable at satellite TV at online streaming.

Hindi naman makakasama ni Maine ang katambal na si Alden Richards dahil may eksklusibong kontrata ito sa Kapuso Network.

Public Domain Image

Si Maine Mendoza ay nasa pamamahala ni Tony Tuviera, ang producer ng TAPE, Inc. at producer din ng mga bagong shows sa TV5 gaya ng Chika Besh, Fill in the Bank, at Bawal na Game Show.

Loading…