Makati City may alok na trabaho sa mga teachers na nawalan ng pagkakakitaan

Imahe mula sa My Makati Facebook page
  • May alok na trabaho ang Makati City sa mga guro na nawalan ng trabaho
  • Ang mga gurong hinahanap ng Makati City ay ilalagay sa Mobile Learning Hub
  • Ang mga aplikante ay dapat graduate ng BS Education o anumang course na may kaugnayan sa Mathematics, English, Filipino at Science

Nag-alok ng trabaho ang city government ng Makati sa mga guro na nawalan ng trabaho ngayong may pandemya  sa pamamagitan ng mobile learning hub program ng siyudad.

Imahe mula sa My Makati Facebook page

Sa isang statement ni Mayor Abby Binay noong Biyernes, August 8, sinabi niyang naghahanap siya ng mga teachers, teacher assistants at tutors na nais lumahok sa proyekto na tinawag niyang isang “innovative educational platform” na naglalayong matiyak na tuluy-tuloy ang edukasyon ng mga kabataan ng Makati sa kabila ng hamon at balakid na dulot ng pandemya.

Ang mga mobile learning hub ay dadalhin sa iba-ibang lugar sa siyudad kapag nagsimula na ang mga kalse upang tulungan ang mga mag-aaral at mga magulang na makasabay sa “blended learning” scheme na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd).

Paliwanag ni Mayor Abby, pangunahing target ng mobile learning hubs ay ang mga estudyanteng walang gadget at ang mga magulang na nahihirapang gabayan at turuan ang kanilang mga anak gamit ang self-learning modules.

Ayon sa DepEd, ang mga self-learning modules ay kagamitan ng mag-aaral na naglalaman ng isang aralin na isinulat sa paraang madaling maunawaan at magagawa  ng mag-aaral kahit wala ang guro sa kanyang tabi.

Imahe mula sa My Makati Facebook page

Sa pamamagitan ng mobile learning hubs, ay madaragdagan ang learning resources ng mga mag-aaral at mabibigyan pa ng trabaho ang mga guro nanawalan ng trabaho matapos magsara ang maraming pribadong paaralan dahil sa epekto ng pandemya.

Ang mga aplikante ay dapat graduate ng BS Education o kaya naman ay anumang course na may kaugnayan sa Mathematics, English, Filipino at Science. Dapat din na handa silang ma-assign sa mga barangay ng Makati City.

 

Loading…