Makati City nagre-recruit ng mga jeepney drivers para sa Mobile Learning Hub Project

Imahe mula sa My Makati
  • Mga jeepney drivers na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya, tutulungan ng Makati City
  • Gagawin bilang katuwang sa Mobile Learning Hub Project ang mga tsuper
  • Ang mga jeepney ay lalagyan ng mga laptop na may internet connection, aklat at iba pang learning materials
  • Maglilibot sa mga barangay ang jeepney sakay ang mga guro at librarian

Bilang tulong sa maraming jeepney drivers na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya, magre-recruit ng mga jeepney drivers ang Makati City na gagawing katuwang sa Mobile Learning Hub Project ng lungsod.

Imahe mula sa My Makati

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang mga tsuper sa Makati ay magiging katuwang ng mga guro at librarian sa nabanggit na learning project na ang layunin ay matulungan ang mga mag-aaral pati na ang kanilang mga magulang na makasabay sa bagong pamamaraan ng pag-aaral na tinatawag na “blended learning.”

Bibigyang prayoridad sa mobile learning hubs ang mga mag-aaral na walang gadgets o anumang learning tools.

Ang lungsod ay aarkila ng 27 jeepneys na gagawing mobile learning hubs na mag-iikot sa mga barangay.  Dala nito ang mga libro at iba pang mga learning materials gayundin ang mga laptop na may internet connection. Dito rin nakasakay ang mga guro at librarian.

Imahe mula sa My Makati

Inisyal na 27 jeepney drivers ang kukunin ng Makati City na magmamaneho ng mga mobile learning hubs.

Madadagdagan pa hanggang sa umabot ng 100 kada linggo ang bilang ng mga tsuper na magpapalitan sa pagmamaneho ng mobile learning hubs upang mas marami ang mabigyan ng trabaho.

“Our initial target is 27 drivers hired. The number may still increase because the jeepney federation is proposing to do a rotation among its member-drivers. We are looking at 100 drivers per week eventually,” sabi ni Rita Riddle, ang schools division superintendent ng Department of Education-Makati.

Sabi ni Riddle, ang mga jeepney na aarkilahin ay babayaran ng P2,000 kada araw.

Imahe mula sa My Makati

 

Source :

Facebook, PNA

Loading…