Malaysia pormal na tinutulan ang pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah

Imahe mula sa Facebook
  • Naglabas ng ‘note verbale’ ang Malaysia para pormal na tutulan ang pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah
  • Ito ay bilang sagot na rin sa note verbale na ipinadala ng Manila tungkol naman sa Kalayaan Group of Island na pag-aari rin umano ng Pilipinas
  • Noong Hulyo, sumiklab ang ‘word war’ sa pagitan nina Locsin Jr. at Hussein tungkol sa nabanggit na isyu.

Nagpadala ang Malaysia ng isang ‘note verbale’ sa United Nations kung saan pormal na tinututulan nito ang pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah o dating kilalang North Borneo.

Halos isang buwan na ang nakalipas matapos sumiklab ang ‘word war’ sa pagitan nina Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr. at Malaysian Foreign Affairs Minister Hishammuddin Hussein tungkol sa nabanggit na isyu.

Minister Hishammuddin Hussein| Imahe mula sa The Straits Times

Sa note verbale, sinabi ng Malaysia na kailanman ay hindi nila kinikilala ang pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah. Ito ay bilang sagot na rin sa kaparehong note verbale na ipinadala ng Manila tungkol naman sa Kalayaan Group of Island na pag-aari rin umano ng Pilipinas.

Sa kalatas na ipinadala ng Malaysia, inilakip nito ang opinyon ni Judge Ad-hoc Thomas Franck tungkol sa usaping pinag-aagawan ng dalawang bansa sa bahaging Timog.

“In light of the clear exercise by the people of North Borneo of their right to self-determination, it cannot matter whether this Court, in any interpretation it might give to any historic instrument or efficacy, sustains or not the Philippines claim to historic title,” ani Franck dito.

Imahe mula sa Facebook

Iginiit din sa opinyon ni Franck na kailanman ay hindi kinikilala ng modern international law ang “survival of a right of sovereignty based solely on historic title.”

“In light of the above, the Republic of the Philippines’ claim to North Borneo clearly has no basis under international law,” dagdag pa ng Malaysia.

BASAHIN: Locsin bumuwelta sa Malaysia; Ambassador ng bansa sa Pinas ipatatawag din

Mistulang ito ang buwelta ng Kuala Lumpur sa iringan nina Locsin at Hussein na nag-ugat sa isang tweet ng US Embassy na nagsabing: “@usaid_manila donated 500 hygiene kits to the @dswdserves  Region IX for use by returning Filipino repatriates from Sabah, Malaysia who arrived in Zamboanga City and Bongao, Tawi Tawi.”

DFA Sec. Teddy Locsin| Imahe mula sa Yahoo News

Hindi ito pinalampas ni Locsin at kaagad na ni-retweet ang mensahe ng embahada na may kasamang babala: “Sabah is not in Malaysia if you want to have anything to do with the Philippines.”

Nakarating naman sa Malaysian minister ang naging reaksiyon ng kalihim ng DFA sa Twitter. Tinawag itong ‘iresponsable’ ni Hussein at nakaaapekto umano sa relasyon ng Pilipinas at Malaysia.

“This is an irresponsible statement that affects bilateral ties. @MalaysiaMFA will summon the Philippines Ambassador on Monday to explain. Sabah is, and will always be, part of Malaysia,” sagot ng Malaysian official.

Loading…