Mangrove plantation malapit sa itatayong airport ng SMC gagawing breeding ground ng alimango

Imahe mula sa Market Manila
  • Gagawing breeding ground ng mga mud crabs ang mangrove plantation ng SMC sa Hagonoy, Bulacan
  • Isandaang libong alimango kada buwan ang palalakihin sa mangrove plantation
  • Ang Pilipinas ay isa sa mga top producers ng mud crab sa buong mundo

Nagsasagawa ang San Miguel Corporation (SMC) ng malawakang pagtatanim ng mga bakawan o mangrove sa coastal area ng Bulacan bilang solusyon sa palagiang pagbaha sa lugar kung saan itatayo ang New Manila International Airport project ng kumpanya.

Imahe mula kay Rex Remitio via Facebook

Noong nakaraang buwan ay nakapagtanim na ng tinatayang 8,000 mangroves sa dalampasigan ng Hagonoy, Bulacan. Bago matapos ang taon ay 17,000 mangroves pa ang itatanim doon.

BASAHIN: San Miguel Corp inumpisahan na ang pagtatanim ng mangrove sa Bulacan bilang solusyon sa pagbaha

Plano ng SMC na gawing breeding ground ng mga mud crab o alimango ang mangrove plantation upang mabigyan din ng bagong pagkakakitaan ang mga residente sa lugar.

Buwan-buwan ay isandaang libong alimango ang palalakihin sa mangrove plantation, ayon kay SMC president and chief operating officer Ramon Ang.

“Along with our goal to help address flooding through the planting of mangroves in these priority areas identified by the Department of Environment and Natural Resources, we are seeding 100,000 mud crabs monthly at Hagonoy’s mangrove plantation area to help boost the country’s mud crab production,” pahayag ni Ang.

Imahe mula sa Market Manila

Aniya, ang Pilipinas ay isa sa mga top producers ng mud crab sa buong mundo. Sinabi umano ng mga eksperto na kailangan pang mapagbuti ang produksyon nito upang matugunan ang inaasahang malaking demand sa mga darating na taon.

“These mangrove areas are a good breeding ground for mud crabs and will provide the local government unit of Hagonoy, fishermen, local entrepreneurs, and rural communities with a sustainable source of income given the mud crabs’ high-income potential,” sabi pa ni Ang.

Imahe mula kay Rex Remitio via Facebook

Ang mangrove plantation sa Hagonoy ay bahagi lang ng 76 ektaryang coastal area na tataniman ng mga bakawan. Malaking bahagi ng airport project ng SMC ang plantasyon. Sabi ni Mr. Ang, hindi mamumuhunan ng P700 billion ang kumpanya kung hindi masosolusyunan ang pagbaha sa lugar.

Loading…