Manny Pacquiao proud kay Jinkee sa paglulunsad nito ng sariling cosmetics line

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao
  • Ipinagmamalaki ni Manny Pacquiao ang asawang si Jinkee na naglunsad ng sariling cosmetics line
  • Tinawag na Jinkee Cosmetics ang bagong negosyo ni Jinkee na inilunsad niya noong August 18, 2020
  • Mayroong 15 products ang Jinkee Cosmetics na binubuo ng cream blushes, liquid lipsticks at lip tints

Very proud ang pambansang kamaong si Manny Pacquiao sa panibagong milestone na nakamit ng kabiyak na si Jinkee nang ilunsad nito ang sarili niyang cosmetics line na tinawag na “Jinkee Cosmetics.”

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao

Aniya, nakita niya kung paanong binuo at naisakatuparan ng asawa ang pangarap nito.

“I saw how she envisioned this dream. I supported her as she made it a reality. Now, I am filled with great pride as she marks another milestone in her long list of achievements,” post ng senador sa social media account niya.

“I feel truly blessed to have Jinkee as a wife, as mother of our children, and as a visionary who will never stop until she achieves her goals in life,” sabi pa niya.

Ang Jinkee Cosmetics ay pormal na inilunsad ni Jinkee noong Martes,ika-18 ng Agosto.

“Two years ago, having my own makeup line was just a dream and a vision. I knew it would take courage and passion to make it happen and I was prepared to put my heart and soul into it. Today, that vision has finally become a reality,” post niya sa Instagram.

Imahe mula sa Instagram account ni Jinkee Pacquiao

Ang Jinkee Cosmatics ay may labinlimang produkto na binubuo ng cream blushes, liquid lipsticks at lip tints.

Ang “Knock Out Cheek” cream blush ay may tatlong pinkish shades  – ang Love, Hope, at Faith.

Ang “Lip Legend Ultra Intense Liquid Matte” ay may siyam na shades – ang Virtuous, Thankful, Radiant, Precious, Noble, Dignified, Courageous, Empowered, at Steadfast.

Tinatawag namang Favored, Gracious at Inspired ang tatlong shadesang “Main Event Velvet Hydrating Lip Stain.”

Imahe mula sa Jinkee Cosmetics

Loading…