Manok dapat isama sa ayuda upang mabawasan ang oversupply – Agriculture Sec. Dar

Imahe mula sa DA
  • Hinimok ng DA ang tatlong ahensya ng gobyerno na isama ang manok sa mga food packs na kanilang ipinamamahagi
  • Dahil sa mga restriksyong pinaiiral sanhi ng COVID-19 ay humina ang demand sa mga locally-produced poultry meat
  • Ang mga sobra-sobrang manok ay nakatago lang ngayon sa mga cold storage

Nanawagan sa tatlong ahensya ng gobyerno si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na kung maaari ay isama na ang frozen chicken meat sa COVID-19 relief packages ng mga ito upang matugunan ang sobra-sobrang supply ng locally-produced poultry meat.

Imahe mula sa DA

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE), at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang hiningan ni Sec. Dar ng tulong hinggil sa oversupply ng manok.

Sa isang inilabas na statement, hinikayat rin ni Sec. Dar ang mga local government units na isama ang frozen chicken meat sa ipinamamahaging food packs upang maibsan ang oversupply at ma-stabilize ang presyo nito sa merkado.

Ayon sa United Broilers Association (UBRA) president na si Elias Inciong, bumagsak na ang farm gate price ng mga manok sa P50 kada kilo mula sa P70 kada kilo dalawang linggo na ang nakararaan.

Sabi ni Sec. Dar, nag-uusap na ang UBRA at DSWD at upang isama ang manok sa food packs na ipinamamahagi sa mga indigent families. Kakausapin din ng kalihim ang DOLE na gawing bahagi ng kanilang ayuda sa mga displaced workers ang manok.

Imahe mula sa DA

Ang oversupply ay sanhi umano ng mga restriksyon na ipinatupad dahil sa umiiral na COVID-19 pandemic, ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI.)

“Ito po ay sanhi ng COVID restrictions. Sa halip na may delivery sa mga merkado, sarado. ‘Yung mga dating kainan sarado. Bumaba ang demand at walang mapuntahan ang mga manok ngayon kaya nakatago sa mga cold storage,” sabi ni BAI OIC Director Ronnie Domingo.

Kung walang interbensyon na gagawin ang pamahalaan, simula sa Disyembre ay magkakaroon ng mahigit tatlong buwang oversupply ng manok sa bansa.

Imahe mula sa DA

Loading…