Mas mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols sa pagbabalik ng Metro Manila sa GCQ

Imahe mula sa UNTV
  • Ibinalik na sa GCQ ang Metro Manila at ang apat pang lugar mula sa dalawang linggong MECQ
  • Hiniling ng Metro Manila mayors na gawing mas istrikto ang pagpapatupad ng health protocols sa ilalim ng GCQ
  • Nangako ang JTF Covid Shield na hihigpitan nito ang pagsita sa mga health protocol violators

Muling ibinalik sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Cavite, Batangas, Rizal at Laguna  matapos isailalim sa dalawang linggong mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ).

Imahe mula sa UNTV

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pumayag ang lahat ng mga alkalde sa buong Metro Manila sa mas maluwag na GCQ, subalit nagkaisa sila na hindi dapat maging maluwag sa pagpapatupad ng health protocols gaya nang nangyari bago ipairal ang MECQ.

Matatandaang mual GCQ ay isinailalim sa MECQ ang apat na lugar na nabanggit kasunod ng panawagan ng mga health professionals na magpatupad ng dalawang linggong lockdown upang magkaroon  sila ng sapat na panahon na rebisahin ang istratehiya sa pagtugon sa COVID-19.

“I can confirm that the recommendation of mayors is GCQ but the GCQ that was implemented in June, which is stricter than the eventual GCQ being implemented now. The IATF (Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease) listened to them intently and it will be incorporated in their recommendation to the president,” sabi ni Roque.

Imahe mula sa Manila PIO

Nagkaisa rin ang mga Metro Manila mayors na magpatupad ng curfew hours na 8 pm hanggang 5 pm.

Nakahanda naman ang kapulisan sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols, ayon ka y Joint Task Force COVID-Shield chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

“Ang mga local chief executives ng Metro Manila, while they recommended na pwede nang mapunta sa GCQ, pero ang gusto nila stricter enforcement ng mga protocol na ito, at ‘yun po ang gagawin ng ating mga kapulisan sa tulong ng ating mga force multipliers,” aniya.

Sinabi pa ni Eleazar na mas mabuti sana kung magkakaroon ang mga local government units ng ordinansa na gagawing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa publiko.

Imahe mula sa Metro News Central

“Para meron specific tayo na pwedeng pagbasehan sa pag-aaresto sa kanila,” paliawanag niya.

Sa ngayon ang pagsusuot ng face shield ay obligado kapag sasakay ng public transportation at habang nasa loob ng workplace.

 

Loading…