Matapos ang paghihiwalay, Joshua at Julia tuloy ang friendship

Image by JoshLia via Facebook
  • Pinanatili nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang pagkakaibigan sa kabila ng paghihiwalay nila
  • Julia: “We really chose to save the friendship. Kasi sayang e”
  • Nagpupunta pa raw si Joshua sa tahanan ng aktres

Makaraan ang paghihiwalay ng Kapamilya love team na sina Joshua Garcia at Julia Barretto (JoshLia), ginawa pa rin nila ang kanilang makakaya para mapanatili ang pagkakaibigan.

Image by JoshLia via Facebook

Pahayag ni Julia sa PEP, “We really chose to save the friendship. Kasi sayang, e. We had a lot of good memories together. We were also friends before we became lovers. So we just wanted to go back to that and save the friendship.”

Sabi pa ng aktres, walang ilangan sa pagitan nila ni Joshua at maayos ang kanilang pagtatrabaho na magkasama.

Ayaw umano nilang tawaging “paghihiwalay” ang naganap sa kanilang dalawa dahil hindi raw nawala ang kanilang koneksyon. Sa katunayan, saad ni Joshua, nagpupunta pa siya sa bahay nina Julia.

“May mga times kaming ganun. Baka feeling lang ng mga tao kasi siyempre naghiwalay kami, pero wala naman po,” anang binata.

Enero nitong taon nang maibalita na winakasan na nila ang kanilang relasyon bilang magkasintahan at noon din ay nag-unfollow si Julia kay Joshua, pero sabi ng huli, pinagtawanan lamang nila ang nangyari.

Sabi ng aktor, “Pinag-usapan din natin ‘yan before pa, e. Nagkatawanan tayo before sa eroplano. Parang second day na nun na in-unfollow niya ako. Pagkakita ko sa kanya, sabi ko, ‘In-unfollow mo ako?’ Pinagtawanan lang namin.”

Image by JoshLia via Facebook

Bida ang dalawa sa Kapamilya Online show na “Love Unlock” na napapanood tuwing Sabado. Kasama nilang bibida sa palabas sina Gerald Anderson at Arci Munoz.

Sa show, ex-lovers sina Joshua at Julia na magkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap at balikan ang kanilang masasayang alaala. Dito, muling lalabas ang mga bagay-bagay na hindi pa nila nareresolba at magkakaroon ng conflict.

Image by JoshLia via Facebook
Source :

PEP, One Music

Loading…