“May pera sa basura”: Pokwang sa netizen na tinawag na basura ang TV5 shows

Image by Pokwang via Facebook
  • Mga bagong palabas sa TV5 tinawag ng isang netizen na basura
  • Sagot ni Pokwang: “May pera sa basura”
  • Dalawa ang bagong show ni Pokwang sa Kapatid Network

Ipinagtanggol ng komedyanteng si Pokwang ang mga bagong palabas sa Kapatid Network sa isang netizen na nagsabing basura raw ang mga ito; liban na lamang umano sa talkshow ni Kris Aquino.

Image by Pokwang via Facebook

Wika ng netizen sa Instagram post ng TV5 kaugnay sa mga new shows ng istasyon, “Sa totoo lang yung kay Kris Aquino lang ang inaabangan ng tao!!!!!!! Yung iba basura!!!!”

Bida si Pokwang sa dalawang palabas dito. Kasama niya si Jose Manalo sa game show na Fill In The Bank, at sina Ria Atayde at Pauleen Luna naman ang kasama niya sa morning talkshow na Chika Besh.

Sagot ng komedyante, nagpapasalamat siya sa opinyon ng netizen pero sana’y tandaan nito na may pera sa basura.

Binanggit pa nito ang mga nagaganap sa mundo kagaya ng COVID-19, pagsabog ng bulkan, pagdami ng nagugutom at marami pang iba; at layunin aniya ng mga palabas na tinawag ng netizen na “basura” na kahit papaano ay makapagbigay-ngiti sa mga mamamayan.

“Opinyon mo yan iho, pero tandaan mo may pera sa basura at minsan nakakapagpasaya, ngiti ka na kasi napakadami na ng nakakapagpalungkot na mga nangyayari sa mundo,” aniya.

Dagdag pa nito, “It’s OK mahal ko din si @krisaquino don’t worry mapapanood mo rin siya soon may inaayos lang at wala makakapigil kay Queen of all media nag iisa siya kaya ika nga save the best for last.”

Image by TV5 via Facebook

Binati naman ng mga Kapamilya si Pokwang sa bago nitong palabas. Kabilang sa mga bumati ay sina Melai Cantiveros, Sunshine Garcia at Karla Estrada.

Pokwang kinumpirma ang planong pag-alis sa ABS-CBN: “Last year pa ako nagpaalam”

Nauna nang sinabi ni Pokwang na ang paglipat niya ng network ay last year pa niya ipinaalam sa ABS-CBN management.

Aniya, “Yes totoo naman yan kasi last year pa ako nagpapaalam wala pang pandemic at bearing sa prangkisa.”

Loading…