Mayor Vico hinimok ang mga health care workers na mag-apply sa kanilang lungsod

Screenshot mula sa Facebook Live ni Mayor Vico Sotto
  • Naghahanap ng mga medical workers ang Lungsod ng Pasig
  • Kulang umano ang kanilang staff sa mga quarantine facility
  • Maaari daw mag-apply ang mga doktor, nurse at med techs

Naghahanap ngayon ng mga health care workers ang Lungsod ng Pasig bunsod na rin ng kakulangan sa mga nag-aalaga ng mga pasyenteng may COVID na nasa quarantine facility.

Sa kaniyang Facebook Live nitong Lunes, ibinahagi ni Mayor Vico Sotto na mayroon pa sana silang planong magbukas ng panibagong pasilidad subalit hindi nila ito magawa dahil sa kakulangan ng staff.

Kaya ngayon ay naghahanap sila ng mga medical workers na maaari umanong mag-apply sa kanilang lungsod para madagdagan ang workforce ng centralized quarantine facility.

Screenshot mula sa Facebook Live ni Mayor Vico

Kung ikaw ay isang health care worker, nananawagan po ako… na maaaring naghahanap ka ng trabaho, maaaring gusto mong tumulong…please apply,” panawagan ng alkalde.

Ito ay bukas umano sa lahat tulad ng mga doktor na may private clinic o kaya ay mga nurse na walang trabaho ngayon na nais tumulong.

“May suweldo po ‘yan. Actually, mas malaki nga ‘yong suweldo ng mga contract of service natin kumpara doon sa regular… Sa ngayon, kumukuha na tayo kahit hindi taga-Pasig… Sa ngayon, hindi na tayo choosy,” dagdag pa ni Mayor Vico.

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Vico

Maliban dito, naghahanap din umano sila ng mga medical technologist para sa bubuksang molecular laboratory sa lungsod.

“Nurses kailangan din natin kahit underboard, puwede po ‘yon… Mga doktor, intern, kailangan po natin, mga specialist, lahat po puwede mag-apply. Isi-screen naman po ‘yan ng city health department,” ayon pa kay Mayor Vico.

Ang sinumang interesado ay maaari lang umanong magpasa ng kanilang application sa [email protected].

Loading…