Mayor Vico Sotto naniniwalang delikado ang motorcycle barrier

Imahe mula sa Bohol LGU/ZigWheels
  • Naniniwala si Mayor Vico Sotto na totoong delikado ang motorcycle barrier
  • Aniya, walang choice ang mga gustong umangkas sa motorsiklo kundi gumamit ng barrier dahil required iyon ng gobyerno
  • Pinuri naman ni Mayor Sotto ang backpack-type motorcycle shield na idinisenyo ng Angkas motorcycle taxi dahil mas ligtas iyon kumpara sa ibang disenyo

Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na kontrobersyal ang usapin sa ipinatutupad na motorcycle barrier para sa pag-aangkas ng pasahero sa motorsiklo. Naniniwala siya na delikado iyon, subalit wala raw choice ang gustong umangkas kundi sundin ng patakaran.

Imahe mula sa ZigWheels

Ang pahayag ng butihing mayor ay ginawa sa turnover ceremony ng mga backpack-type motorcycle barrier na donasyon ng motorcycle taxi ride-hailing platform na Angkas noong Huwebes, ika-13 ng Agosto.

Pinuri ni Mayor Sotto ang Angkas dahil sa disenyo nito ng backpack shield na, aniya, ay mas ligtas.

“Alam kong kontrobersyal ang motorcycle barrier / backpack shield na to. Sa totoo lang, delikado siya… Pero sa ngayon wala tayong choice kung gusto nating umangkas, kailangan daw to. Good job to Angkas dahil gumawa sila ng disenyo na mas ligtas, mas aerodynamic,” post ng mayor sa kanyang Facebook account na may kalakip na larawan ng turnover ceremony.

Ang mga Angkas backpack shield ay ipamimigay sa mga medical frontliners ng Pasig City. Tutulong din ang kumpanya na  magbigay ng libreng sakay sa mga ito.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Vico Sotto

Tulad ni Mayor Vico Sotto, marami ang naniniwala na hindi ligtas ang paggamit ng motorcycle barrier na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases. Kabilang dito ang Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME).

May negatibong epekto raw ang shield sa kaligtasan at kalusugan ng motorcycle riders, ayon sa ginawang pag-aaral ng PSME.

“When the motorcycle is in motion, the barrier will contribute to the change of the designed allowable aerodynamic forces (drag and lift) which will compromise the stability of the motorcycle. This will place the safety of the riders at risk,” paliwanag ng PSME.

Ganito rin ang posisyon ng Administration of Philippine Motorcycle Federation.

Imahe mula sa Facebook page ng Good Morning Cavite

Sa kabila ng mga batikos, nanindigan si Interior Secretary Eduardo Año sa motorcycle barrier rule. Aniya, makatutulong ang motorcycle barrier sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19.

Batay umano sa nakalap na mga CCTV footage sa buong bansa, 30% ng mga motorcycle riders ay nagtatanggal ng kanilang helmet kapag nananakbo sa mga kalsada.

“Study the issue. On motorcycles, you are experts but you cannot say you are experts on the pandemic,” mensahe ng kalihim sa mga kritiko ng motorcycle barrier.

Loading…