Metro Manila hospitals aapaw sa COVID-19 patients sa loob ng susunod na dalawang linggo – UP experts

Screenshot mula sa video ng CNN PH
  • Sa ginawang pag-aaral ng UP researchers ay inaasahang aapaw na sa COVID-19 patients ang mga Metro Manila hospitals sa susunod na dalawang linggo
  • Umabot na umano sa critical danger stage ang occupancy rate ng mga ospital para ca COVID-19 patients
  • Kung dadagdagan naman ang bed capacity ng mga pagamutan para sa COVID-19 cases ay posibleng makaapekto ito sa mga health care workers at non-COVID-19 patients

Namemeligro ang mga pagamutan sa Metro Manila na umapaw sa COVID-19 patients sa susunod na dalawang linggo, ayon sa pagtatayang ginawa ng isang research team mula sa University of the Philippines (UP).

Screenshot mula sa video ng CNN PH

Ito ay dahil ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 ay patuloy pa rin at ang mga bed capacity ng mga pagamutan ay nasa peligrosong katayuan na.

Ayon sa UP OCTA Research, sa ginawang pag-aaral sa mga pagamutan sa 12 local government units sa Metro Manila ay napag-alaman nilang umabot na ang occupancy rate ng mga ito para sa COVID-19 patients sa 70% na tinatawag nilang critical danger threshold ng bed capacity.

Pitong lungsod sa Metro Manila ang naabot na rin ang cricital danger stage ang bed capacity ng intensive care units para sa mga infected patients habang ang Makati City at Pateros ay puno na ang COVID-19 bed capacity.

Nagpahayag din ang mga eksperto ng pag-aalala para sa mga health care workers at mga non-COVID-19 patients kung dadagdagan ang bed capacity ng mga pagamutan para sa COVID-19 patients.

Screenshot mula sa video ng CNN PH

“We are concerned that expanding COVID-19 hospital and critical care capacity will come at the expense of our health care workers and non-COVID-19 patients,” ayon sa research team.

Sinabi rin ng UP researchers na sa kauna-unahang pagkakataon ay tumalon sa mahigit 15% ang positivity rate o ang porsyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19.  Nakaaalarma umano ito dahil sinabi ng World Health Organization na dapat ay pagsumikapan ng mga bansa na 5% lang ang positivity rate upang madaling masawata ang pandemya.

Dahil sa patuloy na sumisirit ang bilang ng COVID-19 sa bansa ay hiniling ng mga health care frontliners kay Pangulong Rdorigo Duterte na ibalik sa enhanced community quarantine ang Metro Manila upang kahit paano ay makapagpahinga naman sila at makabawi ng lakas.

Screenshot mula sa video ng CNN PH

Ang pagsipa ng COVID-19 cases sa bansa ay nagsimula nang isailalim sa maluwag na general community quarantine ang Metro Manila, ayon kay Dr. Maricar Limpin, Vice President ng Philippine College of Physicians.

Loading…