Metro Manila mayors humihirit ng 30-day extension ng GCQ

Imahe mula sa Business Mirror
  • Inirekomenda ng Metro Manila mayors sa IATF ang 30-day extension ng GCQ
  • Ang basehan ng ginawang rekomendasyon ay ang balanse ng kalusugan at ekonomiya sa panahon ng pandemya
  • Nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Duterte ngayong August 31 ang bagong classification ng mga community quarantine sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa

Inirekomenda ng lahat ng mayor sa Metro Manila sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na palawigin pa ng 30 days ang general community quarantine (GCQ) sa rehiyon.

Imahe mula sa Radyo Todo

Ang dalawang linggong GCQ na ipinatupad sa Metro Manila at apat pang probinsya ay matatapos ngayong Lunes, August 31.

Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, napagkaisahan nilang mga alkalde ng National Capital Region na mas makabubuti kung palalawigin pa ang GCQ ng isang buwan o sa buong buwan ng Setyembre.

Ang MMC, na binubuo ng lahat ng Metro Manila mayors, ay nakipagpulong sa ilang Cabinet members noong Linggo, August 30, hinggil sa community quarantine.

“Doon po sa pulong, pinagkaisahan po ng lahat ng mayors na irerekomenda sa IATF na i-maintain po ‘yung GCQ, ‘yung ating general community quarantine starting September 1,” pahayag ni Mayor Olivarez.

Imahe mula s Facebook account ni Mayor Edwin Olivarez

Nilinaw ni Mayor Olivarez na ang 30-day extension ay rekomendasyon nila sa IATF, na siya namang gagawa ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang pinag-uusapan po ay hindi 15 days eh, kundi 30 days. Pero ‘yan po ay recommendation po sa IATF. Pero sila po ang magrerekomenda sa Presidente,” ani Olivarez.

Ipinaliwanag ng mayor na ang basehan nila ng ginawang rekomendasyon ay ang balanse ng kalusugan at ekonomiya sa panahon ng pandemya.

“Ang pinagbasehan po niyan ay ‘yung pagbubukas ng ekonomiya nang dahan-dahan nang hindi po puwede pong i-compromise ‘yung health protocol natin dito,” aniya.

Nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Duterte ngayong August 31 ang bagong classification ng mga community quarantine sa Metro manila at iba  pang panig ng bansa.

Imahe mula sa PCOO

Loading…