Mga LSIs mistulang refugees; sa shipping containers nanunuluyan

  • Naihalintulad sa refugees ang ilang LSIs na nanunuluyan sa mga shipping containers sa Manila North Harbor 
  • Nakansela kasi ang kanilang mga iskedyul sa pagbabalik-probinsya dahil sa mga localized lockdowns na ipinatutupad sa kani-kanilang mga lupang tinubuan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Nagmistulang refugees ang mga locally stranded individuals o LSIs sa panunuluyan sa mga shipping containers na nasa Manila North Harbor sa Tondo, Maynila, na karamihan ay nagmula pa sa Bacolod, Bohol, Iloilo, at Cebu.

Ang halos 100 LSIs na ito ay stranded matapos makansela ang kanilang pagbabalik sa kanilang mga probinsya dahil  sa localized lockdowns na ipinatupad ng kanilang mga lokal na pamahalaan bilang pag-iingat sa COVID-19. Napabalita rin kasing may mga nagpositibo sa naturang sakit dahil sa pagdagsa ng mga tao.

Imahe mula sa GMA News

Makikita sa mga naibahaging larawan na bagama’t nakasuot ng face mask,  hindi naman nasusunod ang physical o social distancing dahil maliit lamang ang espasyo sa loob ng shipping containers.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“This is not healthy and unfair to these people. The government has to facilitate and help to prevent contamination of this COVID-19,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Magandang programa pero hindi dapat sa ganitong sitwasyon! Mas importante pa yata maka biyahe mga barko kaysa ma-contain ang virus!”

“Since when did this pandemic start? For how long now that there are some LSIs that exist here and there. No enough quarantine facilities, no effective plan. Reaching out to our leaders local or national, these citizens need your immediate attention and help for the safety of everyone as when you needed their individual votes when you run for office. Let’s be compassionate not complacent. Shall we just watch for the ascent of the graphic line?” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program aprubado na ni Pangulong Duterte

Matatandaang nagkaroon ng “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program” ang pamahalaan batay na rin sa Executive Order No. 114.

Ayon sa kanilang opisyal na website, “it aims to provide hope for a better future to Filipinos through equity in resources throughout the country that will boost countryside development” lalo na sa panahon ng pandemya.

Loading…