Mga magsasaka sa Benguet P2 kada kilo na lang ibinebenta ang repolyo

Screenshot mula sa video ng GMA News
  • Bentahan ng repolyo sa trading post sa La Trinidad, Benguet sumadsad sa P2 kada kilo
  • Bumaba rin ang presyo ng iba pang gulay tulad ng sayote, at labanos sa Benguet
  • Sa mga pamilihan sa Metro Manila ay nananatiling mataas ang presyo ng mga gulay

Halos palugi na kung ibenta ng mga magsasaka ang mga ani nilang gulay sa trading post sa La Trinidad, Benguet dahil sa tumal ng bentahan doon. Ang presyo ng repolyo ay sumadsad na sa dalawang piso per kilo.

Imahe mula sa Herald Express

Bukod sa matumal na bentahan ay kalahating araw lang sila pinapayagang magbenta sa trading post upang bigyang-daan ang disinfection at decontamination sa pasilidad. Marami rin sa mga lugar na binabagsakan nila ng mga gulay ay sarado dahil sa ipinatutupad na community quarantine.

“Para lang  makakuha ng pang-krudo pabalik,”sabi ng isang magsasaka na napilitang ibenta ang mga paninda sa presyong halos ipamigay na lang.

Bukod sa repolyo, bumagsak din ang presyo ng iba pang mga gulay tulad ng sayote na ngayon ay P3.00 -P4.00 kada kilo at labanos na P4.00-P7.00 kada kilo.

Screenshot mula sa GMA News video

Pero sa mga pamilihan sa Metro Manila, bagama’t nagkaroon ng bawas-presyo  ay may kataasan pa rin ang bentahan ng mga nabanggit na gulay. Tulad halimbawa sa Datu Tahil Market sa Quezon City na ang repolyo ay ibinebenta ng P30 per kilo, ang sayote ay P15 per kilo at P50 kada kilo naman ang labanos.

Sa Balintawak Market ay P35 per kilo ang repolyo.

Ayon sa grupong Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG, dapat sumunod ang presyo ng mga retailers sa kung magkano ang farm gate price.

Screenshot mula sa GMA News video

Sinabi ni Rosendo So, ang chairman ng SINAG, kapag tumataas ang farm gate price ay  itinataas din ng mga retailers ang presyo nila, pero kapag bumaba ang farm gate price ay hindi agad-agad nagbababa ng presyo ang mga retailers.

Source :

Facebook

Loading…