
- Marami ang nadismaya sa pagkakaudlot ng pagbabalik-oper
asyon ng lotto games - Nakatakda sanang ibalik ang mga PCSO games nitong August 4, 2020
- Ang suspensyon ay kaugnay ng deklarasyon ni Pangulong Duterte na ibalik sa MECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal
Maraming mananaya ang nadismaya sa naudlot na muling pagbubukas ng mga lotto outlets sa bansa na nakatakda sanang magsimula nitong Martes, ika-4 ng Agosto.

Sa opisyal na pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ibinahagi sa social media page nito, sinabing suspendido ang lahat ng lotto games, sweepstakes at Keno kaugnay ng deklarasyong ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa ilalim ng mas istriktong community quarantine ang Metro manila at apat pang probinsya.
Nilinaw din ng ahensya na ang Small Town Lottery ay nananatiling suspendido simula pa noong unang magpatupad ng enhanced community quarantine sa bansa noong Marso.
“In view of the pronouncement by President Rodrigo Roa Duterte to revert NCR, Bulacan, Cavite, Rizal and Laguna to MECQ from August 4 midnight to August 18, 2020, Instant Sweepstakes tickets, Keno, including the scheduled resumption of lotto operations in these areas shall be suspended until further notice. Small Town Lottery (STL) games have not yet resumed,” ayon sa advisory ng PCSO.

Sa comment section ng Facebook post ng PCSO, marami ang nagtatanong kung ang lotto operations sa mga lugar na nasa mas maluwag na General community quarantine at modified general community quarantine ay matutuloy pa rin.
Marami rin ang umaapela na sana ay ibalik na ang operasyon ng STL.
Lotto results: PCSO binola na ang mga lotto tickets na nabili bago ipinatupad ang lockdown
Noong nakaraang buwan ay nagsagawa ang PCSO ng mga “catch up draws” para sa mga lotto tickets na nabili ng mananaya bago ipatupad ang lockdown noong buwan ng Marso. Walang tumama sa jackpot prize ng mga ito.
