Mga motoristang gumagamit ng expressways, kailangan nang maglagay ng RFID bago mag-Nobyembre 2

SLEX| Imahe mula sa CarGuide.PH
  • Ipatutupad na simula Nobyembre 2 ang cashless payments system sa mga expressways
  • Hinihikayat ng TRB ang mga motorista na magpakabit na ng RFID stickers habang maaga pa
  • Saklaw nito ang mga major expressways sa north at south pati na rin ang Skyway at NAIAX

Ipatutupad na simula sa Nobyembre 2, 2020 ang cashless payment scheme sa lahat ng expressway toll sa north at south; gayun na rin sa kautusang inilabas ng Department of Transportation (DOTr).

Hinihimok ngayon ng pamunuan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga motoristang dumaraan sa mga major tollways na magpakabit na ng RFID sticker sa kanilang sasakyan habang maaga bago ipatupad ang bagong sistema.

Ang TRB ang naatasang mamahala sa implimentasyon ng cashless payment system bilang hakbang umano para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa pamamagitan ng contactless scheme sa mga toll gate.

NLEX| Imahe mula sa NLEX Corporation

“To address the COVID-19 pandemic, the TRB shall ensure that concessionaires and operators shall install electronic tags or other cashless systems, such as, but not limited to, RFID, Automated Fare Collection System (ACFS), etc. for all motorists and motor vehicles using the toll expressways and transact only thru the cashless mode of payment of toll not later than 2 November 2020,” ayon sa department order ng DOTr.

Ang Easytrip ay kasalukuyang ipinatutupad ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) at saklaw nito ang North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Manila Expressway (CAVITEX), at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Samantala, ang Autosweep naman ng SMC Tollways ay ipinatutupad sa South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX), at STAR Tollway.

Skyway| Imahe mula sa Top Gear

Kabilang din sa ipatutupad na cashless payment toll ang NAIA Expressway (NAIAX) na nas ilalim ng Vertex Tollways Development, Inc.

Ayon sa TRB, libre ang pagpapakabit ng RFID stickers at ang load lamang (P500 initial load) ang babayaran ng mga motorista.

Para sa karagdagang impormasyon kung saan puwedeng magpakabit ng stickers, i-click lamang ang link na ito: ELECTRONIC TOLL COLLECTION SYSTEM (EasyTrip and Autosweep)

Loading…