Mga nagbebenta ng convalescent plasma sa mga COVID-19 patients tutugisin ng awtoridad

Imahe mula kay Sen. Migz Zubiri
  • Mga nagbebenta ng convalescent plasma sa Central Visayas tutugisin
  • Sinabi ng PRO-7 chief na isang nakapanghihilakbot na gawain ang pagbebenta ng convalescent plasma sa pasyenteng nangangailangan nito
  • Hinihikayat ni Brig. Gen Ferro ang mga tauhan niya na nakarekober sa COVID-9 na mag-donate ng convalescent plasma

Nagbabala ang pamunuan ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) na tutugisin nila ang mga taong nagbebenta ng convalescent plasma sa mga COVID-19 patients.

Imahe mula kay Sen. Migz Zubiri

Ang convalescent plasma, na nakukuha sa mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19, ay ang kulay dilaw na likidong bahagi ng dug0 na nagtataglay ng antibodies na panlaban sa coronavirus.

Sa isang video conference noong August 5, 2020, inihayag ni Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro, ang director ng PRO-7, na nagsasagawa na sila ng pag-iimbestiga sa mga napaulat na bentahan ng convalescent plasma.

Aniya, isang nakapanghihilakbot na gawain ang pagbebenta ng convalescent plasma sa pasyenteng nangangailangan nito  lalo na’t kung ang nagbebenta ay isang indibidwal na dumanas rin ng pagdurusa mula sa COVID-19.

“It’s illegal. It is a criminal act. It is like selling your body part,” anang opisyal.

Ito umano ang kanyang dahilan kaya hinihikayat niya ang mga tauhan niyang nakarekober mula sa impeksyon. Nais raw niyang iparating sa publiko na ang plasma ay dapat idino-donate at hindi ipinagbibili.

Imahe mula sa PRO-7

“That’s why I’m promoting the donation of plasma, so that we can tell the people that this gift from God is a gift of life. This is a God-given gift, it should not be for sale,” paliwanag niya.

Inatasan niya ang lahat ng station commander sa rehiyon na bantayang mabuti ang kanilang area of responsibility sa mga nagaganap na ilegal na bentahan ng convalescent plasma.

Basahin: COVID-19 patients napipilitang bumili ng plasma ng survivors sa mataas na halaga dahil sa kawalan ng donors

Loading…