Mga nawalan ng trabaho hinihimok na magnegosyo; pamahalaan magpapautang ng kapital

Imahe mula sa Pixabay
  • Ineenganyo ng gobyerno ang mga manggagawang nawalan ng trabaho na magtayo ng maliit na negosyo
  • Handa umanong magpautang ng capital ang ilang ahensya ng pamahalaan
  • Bukod sa pagpapautang, ang pamahalaan ay nagbibigay din ng libreng online courses sa mga displaced workers sa pamamagitan ng TESDA

Hinihikayat ng pamahalaan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa COIVD-19 pandemic na pag-isipang magtayo ng sarili nilang negosyo.

Imahe mula sa PNA

Sabi ni Presidential spokesman Harry Roque, may sapat na pondo ang gobyerno upang maipautang sa mga gustong maging negosyante. Binanggit niya ang ilang ahensya ng  pamahalaan na maaaring utangan ng panimulang kapital.

“Ineenganyo natin ang lahat ng nawalan ng trabaho na umutang ng kapital para magsimula ng kanilang sariling negosyo. Nagpapautang ang DTI (Department of Trade Industry), ang DA (Department of Agriculture), ang DOF (Department of Finance),” pahayag ni Roque.

Aniya, marami namang maaaring mautangan kahit sa pribadong sektor.

“Hindi tayo magkukulang ng sources of funding pati na ‘yung mga micro finance institutions whether they be supported by the government or mga private sector,” sabi pa niya.

Imahe mula sa PCOO

Ang panghihikayat ng gobyerno sa mga displaced workers na magnegosyo ay kasunod ng report na inilabas ng Asian Development Bank at ng International Labor Organization na nagsasabing mahigit isang milyong kabataang Pilipino ang maaaring mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Mas maraming kabataan kaysa sa mga nakatatanda ang malakas na tatamaan ng economic at social impact ng public health crisis, ayon sa joint report.

Tinatayang 687,000 to 1.019 million young workers ang mawawalan ng trabaho kapag patuloy na humina ang ekonomiya. Karamihan kasi sa mga business o economic sector na lubos na naapektuhan ng pandemya ay may young workforces.

Imahe mula sa Pixabay

Kabilang sa mga economic sectors na ito ang wholesale and retail trade, manufacturing, real estate, at accommodation and food services.

Bukod sa pagpapautang, tinutulungan din ng pamahalaan ang mga walang trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng online courses upang mabigyan sila ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa kanila.

Loading…