Mga netizens nagbigay ng reaksyon sa mga bagong disenyo ng pera

  • Nagbigay ng reaksyon ang mga netizens sa mga bagong disenyo ng pera
  • Karamihan sa kanila ay ayaw sa ideyang ginawang barya ang 20 piso
  • Pag-upgrade sa disenyo ng mga pera ay regular na ginagawa ng BSP para sa proteksyon na rin

Hindi lamang ang trabaho, pagtuturo, at pagbili ang nakiangkop sa tinatawag na “Bagong Normal” na dulot ng pandemya ng COVID-19 maging ang mga disenyo ng mga pera sa Pilipinas.

Nagsagawa ng upgrade ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP sa disenyo ng mga peso biil at barya, bagay na ikinagugulat lamang ng mga tao dahil nangyari ito sa kasagsagan ng community quarantines, at madalang lamang lumabas ang mga tao kaya hindi kaagad naging pamilyar sa mga pagbabagong ito.

Public Domain Image

Noong Marso 25, 2018, matatandaang naglabas ang BSP ng New Generation Currency (NGC) Coin Series na binubuo ng 10-Piso, 5-Piso, 1-Piso, 25-Sentimo, 5-Sentimo at 1-Sentimo na hanggang ngayon ay nasa sirkulasyon pa rin.

Itinampok sa mga baryang ito ang mga bayaning sina Apolinario Mabini na nasa 10-Piso, Andres Bonifacio sa 5-Piso at Jose Rizal sa piso.

Noong Disyembre 17, 2019, inilabas ng BSP ang 20-Piso na bagong barya at enhanced 5-Piso barya. Kaya naman, huwag magtaka kung makakita ng 20-Piso na barya, bagama’t maaari pa rin namang gamitin ang bill o de-papel. Ginawa umano ang ganito upang mas maiwasan pa ang pamemeke ng mga pera.

Iba-iba naman ang naging reaksyon dito ng mga netizens.

“Sana papel na lang lahat. Naging coin pa yung 20, lalo na bibigat yung bulsa,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Akala nga ng tindera, peke yung perang iniabot ako. Wala sa timing, lalo na hindi naman masyadong alam ng mga tao na may bago na palang umiikot na pera.”

“Coins are such a difficulty. Nobody ever has change now. I don’t think coins will help,” komento naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Maraming malilito sa mga coins. Yung 5-peso coin at 10-peso coin halos magkapareho. Idagdag pa ang 20-peso coin. Malulugi tindahan.”

Public Domain Image

Kaya naman bago magbayad o kumuha ng sukli, pakatiyaking tingnan muna ito nang maigi bago umalis at baka magsisi sa huli.

Loading…