Mga netizens nagpaalala sa mga mag-aaral na igalang ang mga guro lalo na sa panahon ngayon

  • Nanawagan ang mga netizens na maging magalang pa rin sa mga guro
  • Ginagawa raw nila ang lahat upang makapag-adjust sa mga panibagong pamamaraan ng pagtuturo
  • Sana raw ay maunawaan din sila ng mga mag-aaral na hinuhusgahan kaagad ang online learning

Kasabay ng “Bagong Normal” ay ang panibagong paraan din ng pagtuturo at pagtatamo ng pagkatuto para sa mga guro at mag-aaral sa pamamagitan ng blended learning o distance learning. Kaya naman, nahaharap ngayon sa panibagong yugto ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas: ang pagsasagawa ng online class.

Sabi nga, lahat ng guro lalo na ang mga nasanay sa tradisyonal at pisikal na paraan ng pagtuturo ay tila bumalik sa unang taon ng kanilang pagiging guro, dahil sa panibagong adjustments na kailangan nilang gawin. Kaya naman nanawagan ang mga netizens na igalang ang mga guro; isa na riyan ang Twitter post ng netizen na si @nyla_danae.

Imahe mula sa Twitter account ni @nyla_danae

Pakiusap niya noong Agosto 17, 2020, “To students starting school today, Please be nice to your teachers. My dad is 53 years old, and not a whiz w/ technology. He calls me EVERY day, attempting to practice because he’s so nervous and wants what’s best for his students. Please be patient with them. They’re trying.”

Nagustuhan naman ito ng isa pang Facebook user na nagngangalang Alex Czechoslovakia.

Ibinahagi niya sa kaniyang post ang naturang Twitter post at nilagyan ng caption na “Gentle reminder to never lose your respect. They are like your parents trying to familiarize a normal that they arent used to. Correct them in a way you wanted it to be done unto you – politely.”

Bagay na parehong sinang-ayunan naman ng mga netizens at nagbigay rin sila ng komento hinggil dito.

“I resonate with this so much, my dad is 51 and he’s technologically-challenged and has been having the hardest time teaching distance learning. He stays up late and spends weekends watching YouTube tutorials to understand basic windows software. Best wishes towards your dad,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Wishing the best to yours and to all the teachers out there. They have never been more needed. I hope they feel the love and appreciation so many of us have for them.”

“Everyone just needs to be patient with each other. I have answered no less than 6 emails from students regarding technical difficulties. Tomorrow is when I lecture and I’m still expected technical difficulties for myself and my students,” pagbabahagi naman ng isa.

Kamakailan lamang ay iniurong ng Department of Education ang pagbubukas ng mga klase nito sanang Agosto 25, 2020, at inilipat ito aa Oktubre 5, upang mas makapaghanda pa sa panibagong modalities ng pagtuturo. Kaya naman, hindi totoong wala silang ginagawa dahil hindi pa man sila sumasabak sa aktuwal na “labanan,” buong oras nila ay ginugugol na sa paghahanda ng mga kagamitang panturong aangkop sa panibagong normal ng pagtuturo.

Public Domain Image

Mabuhay ang ating mga guro!

Source :

Twitter, Facebook

Loading…