Mga opisyal ng PhilHealth, nagdeklarang may sakit kaya hindi makadadalo sa mga pagdinig sa Senado

  • Biglang nagkasakit nang malubha ang dalawang pinakamataas na opisyal ng PhilHealth
  • Ito ay sina President at CEO Ricardo Morales at Vice President at COO Arnel De Jesus
  • Nakatakda pa namang humarap ang dalawa sa senate hearing hinggil sa mga anomalyang ibinabato sa kanila

Ilang araw lamang matapos pumutok ang katiwalian umano sa pamunuan ng PhilHealth, nagdeklara ng kanilang pagkakasakit ang dalawang opisyal na may pinakamataas na katungkulan dito na sina President at Chief Executive Officer o CEO Ricardo Morales at Vice President at Chief Operating Officer o COO na si Arnel De Jesus.

Si Morales ay nakararanas daw ng Lymphoma kaya kailangan niyang sumailalim sa gamutan ng chemotherapy at kinakailangang umiwas sa stress, ayon sa ipinakita niyang liham mula umano sa kaniyang doktor. Nasa ospital naman si De Jesus dahil sa iniindang sakit sa puso at diabetes kaya hindi rin makadadalo sa pagdinig sa Senado sa darating na Agosto 11, 2020 upang sagutin ang mga alegasyon ng iregularidad at anomalya.

Public Domain Image

Narito naman ang haka-haka at reaksyon ng mga netizens:

“Naku lumang tugtugin na iyan! Idol po ba ninyo si GMA? Ganiyan din siya noon. Kung kailangan nagkabukingan na at may patawag na sa senate, saka kayo magkakasakit? Lokohin ninyo lelang ninyong panot!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Oh the hospital defense is exploited again! Every time they’re caught and investigated, they get sick but if no one notice their wrong doings, they are fine and strong… healthy to amaze billions from poor Filipinos. Diyan pa lang may butas. Hindi naman pala sila fit to work pero bakit sila ang may pinakamataas na posisyon?”

“Yes they are on top of the situation, they will use their resources under their department to come up with a grand alibi one by one may mga sakit na iyan haha. Sana magkatotoo po na may sakit kayo,” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Nahaharap ngayon ang PhilHealth sa kontrobersiya matapos lumantad ang whistle blower na si anti-fraud officer, at isang abogadong si Thorrsson Montes Keith, na nagsasabing naibulsa ng mga opisyal ang 15 bilyong pisong pondo ng ahensiya. Isa pa sa mga isyu ang pagkakaroon ng mga overpriced na computer/laptop na ginagamit sa kanilang IT Department.

Loading…