Mga pasaherong walang face shield pinagmulta; mga driver na nagpasakay sa kanila namultahan rin

Screenshot mula sa GMA video
  • Maraming bus passengers ang naaktuhan ng HPG na walang suot na face shield
  • Pinagmulta ang mga ito dahil sa paglabag sa health standard protocols na ipinatutupad sa public transportation
  • Maging ang mga driver na nagpasakay sa mga nasabing pasahero ay pinagmulta rin at kinumpiska ang driver’s license

Ang pagsusuot ng face shield, bukod pa sa face mask, kapag sasakay ng mga pampublikong sasakyan at sa loob ng trabaho ay mandatory na upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad.

Imahe mula sa UNTV

Simula nang ibalik ang operasyon ng public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine ay marami nang commuters ang naaktuhang walang suot na face shield sa loob ng mga pampasaherong sasakyan.

Ayon sa Philippine National Police Highway Patrol Group (HPG), marami na ang mga pasaherong namultahan dahil sa hindi pagsunod sa ipinatutupad na patakaran.

Sabi ni HPG National Capital Region field commander Col. Wilson Doromal, maraming pasahero ang pinayagang sumakay ng mga airconditioned bus kahit walang suot na face shield.

“We will continue to apprehend those who are not wearing face shields because we want to protect other passengers who follow health protocols. Buses are air-conditioned so the transmission of the virus is possible,” pahayag ni Doromal sa isang radio interview.

Screenshot mula sa GMA video

Aniya, maging ang mga driver ng public utility vehicles na nagpasakay ng mga pasaherong walang suot na face shield ay pinagmulta rin bukod pa sa inisyung citation ticket kaugnay sa reckless driving.

“They put the health of other passengers at risk,” ani Doromal patungkol sa mga driver at konduktor ng bus.

Nanawagan siya sa mga ito na mahigpit na ipatupad ang “no face mask, no face shield, no entry” policy.

Screenshot mula sa GMA video

“They should be setting the example. If they strictly impose health and safety guidelines, we would not see passengers without face shields boarding PUVs,” ani Doromal na sinabing kinumpiska rin nila ang driver’s license ng mga driver na nagpasakay sa  mga pasaherong walang face shield.

 

Source :

MSN, Philstar

Loading…