Mga residente nangangamba sa pagdagsa ng 250,000 bikers sa annual motorcycle rally sa South Dakota

Screenshot mula sa ABC News
  • Tinatayang 250,000 motorbikers ang dadagsa sa Sturgis sa South Dakota para sa 80th Sturgis Motorcycle Rally
  • Nangangamba ang mga residente sa panganib ng malaking pagtitipon dahil sa COVID-19 pandemic
  • Pinayagan ng city managers ang annual event dahil sa napakalaking halaga na kikitain ng Sturgis mula sa mga bisita

Sa kabila ng mga pangamba sa posibleng kahinatnan ng malalaking pagtitipon sa gitna ng pananalasa ng COVID-19 pandemic ay inaasahan pa rin ang pagdagsa ng tinatayang 250,000 motorcycle riders para sa taunang Sturgis Motorcycle Rally.

Imahe mula sa Sturgis Motorcycle Rally Facebook page

Ang annual Sturgis Motorcycle Rally sa Sturgis, South Dakota ay nagsimula noong Biyernes, August 7, at tatagal ng hanggang sampung araw.

Sa isang survey na isinagawa noong Mayo, 60% ng mga residente ang nagpahayag na mas gugustuhin nilang hindi matuloy ang event dahil sa panganib ng pandemic.

Subalit inaprubahan ng city council ang event dahil sa local business owners na umaasa sa malaki nilang kikitain sa once-a-year gathering at dahil sa realisasyon ng mga namumuno sa siyudad na dadagsa rin naman ang mga bikers anuman ang mangyari. Hindi umano nila mapipigilan ang mga bisita.

“The city fathers here wouldn’t cancel this rally if it were the middle of World War 7,” sabi ng residenteng si Brent Bertelson na 26 years nang uma-attend ng taunang motorcycle rally.

“The money the city takes in is a number that Ripley wouldn’t believe,” sabi pa niya.

Screenshot mula sa ABC News

Totoo naman ang sinabi ni Bertelson.

Ayon sa City Manager na si Daniel Ainslie, humakot ng $26 million sales tax revenue ang bayan ng  Sturgis, na mayroong 7,000 residents,  noong nakarang taon dahil sa annual motorcycle rally na dinadaluhan ng mga motorcycle enthusiasts mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang buong South Dakota naman ay nagkamal ng $655 million mula sa naturang event noon ding nakaraang taon.

“That’s a lot of money for a small state,” sambit ni Ainslie.

Imahe mula kay Irfan Khan

May mga hakbang namang ginawa ang mga city managers upang maibsan ang panganib ng COVID-19.

Sabi ni Ainslie, inalis na nila ang parade, contests at iba pang events kaugnay ng motorcycle rally. Mas kaunti rin ngayon ang dadalo dahil hindi sila nag-advertise. Karaniwang mahigit kalahating milyong bikers ang dumarayo sa annual event.

Sa sampung araw ng event, ang mga residenteng ayaw lumabas at makihalubilo sa mga bikers ay maaaring tumawag ng city volunteers na bibili at maghahatid sa kanila ng mga pangangailangan.

Ang mga makikihalubilo sa mga visitors ay isasailalim naman sa libreng COVID-19 testing pagkatapos ng event.

Screenshot mula sa ABC News

May mga precautions din ang mga local business sa Sturgis. May mga nakahandang hand sanitizers sa maraming lugar, ang mga pagkain ay take out lahat at may mga signs na nagpapaalala na dumistansya ng 6 feet sa bawat isa.

Hindi kabilang sa mga precautionary measures ang pagsusuot ng face mask.

Loading…