Mga violators ng quarantine rules umabot na sa mahigit 300,000

Imahe mula sa PIA
  • Umabot na sa mahigit 300,000 ang mga naitalang quarantine violators simula March 17 hanggang August 10
  • Ang pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa ay kasabay ng pagdami ng mga nasisitang quarantine violators
  • Sinabi ni JTF Covid Shield Commander Gen. Guillermo na ang tagumpay ng pamahalaan sa ginagawang pakikipaglaban sa COVID-19 ay nakadepende sa pakikipagtulungan ng publiko

Umabot na sa mahigit 300,000 ang mga quarantine violators na nadampot sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa simula pa noong Marso sa gitna ng ginagawang hakbang ng gobyerno na kontrolin ang unauthorized movement ng mga tao upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

Imahe mula sa PIA

Sinabi ni Joint Task Force COVID Shield commander Lieutenant General Eleazar Guillermo na ang mga nadakip na violators ay kung hindi na-warningan at namultahan ay nasampahan na ng kaso sa korte, depende sa umiiral na mga anti-COVID-19  ordinances na ipinatutupad ng mga local government units na ginagamit sa enforcement ng quarantine rules.

Aniya, ang pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa ay kasabay ng pagdami ng mga sinisitang quarantine violators na sumusuway sa patakaran laban sa unnecessary travels at hindi sumusunod sa minimum health safety standard protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pagkakaroon ng distansya sa bawat isa o physical distancing.

Dagdag pa ni Lt. Gen. Guillermo, patuloy pa rin silang nakatatanggap ng mga reports ng mga nagsusugal, nagpa-party at nag-iinuman.

Imahe mula sa PNA

Binigyang-diin niya na ang tagumpay ng pamahalaan sa ginagawang pakikipaglaban sa COVID-19 ay ang pakikiisa ng publiko.

“The success and failure of our fight against COVID-19 depends on the cooperation of our kababayan. The more they defy and challenge the rules set by the government to prevent the spread of the coronavirus, the more they make it difficult for our government to protect them,” anang opisyal.

“On the part of the JTF COVID Shield, we will continue to maximize what we have to strictly enforce the quarantine rules because what is at stake here is the lives of the Filipino people and the fate of ourcountry,” sabi pa niya.

Batay sa tala ng JTF Covid Shield, umabot na sa 308,859  ang kabuuang bilang ng mga violators simula noong March 17 hanggang August 10.

Imahe mula sa Tribune
Source :

Tribune, Inquirer

Loading…