Michael Pacquiao sa pagsisimula ng music career: I want to prove that I can, I don’t just rely on my parents

Imahe mula sa YouTube | Wish 107.5 at Instagram | Michael Pacquiao
  • Trending ang kantang ‘Hate’ ni Michael Pacquiao na kaniyang inawit sa Wish 107.5
  • Bagama’t marami ang humanga sa kaniyang talento ay marami rin ang nagsabing nadala lamang siya ng kaniyang apelyido
  • Aniya, nais niyang gumawa ng pangalan para sa sarili dahil batid niyang pinagsikapan nang husto ng kaniyang ama ang kaniyang pagkakakilanlan bilang boxing icon

Nais ng up and coming rapper na si Michael Pacquiao na gumawa ng pangalan para sa sarili at kilalanin sa larangan ng musika hindi dahil anak siya ng People’s Champ na si Manny Pacquiao.

Imahe mula sa Instagram | Michael Pacquiao

Kamakailan lamang ay inilabas sa Wish 107.5 ang performance ni Michael ng kaniyang kantang “Hate.” Habang isinusulat ito ay malapit nang umabot sa 10 million ang views nito at pang-anim na rin sa trending videos sa YouTube.

Sa isang panayam sa PEP ay sinabi niyang masaya siya sa pagtanggap ng mga tao sa kaniyang musika kahit pa hindi maiiwasan na may ilang nagdududa sa kaniyang kakayahan at nagsasabihing nadala lamang siya ng kaniyang apelyido.

“People would say it has to do with my last name. But you know, I understand naman but at the same time, it’s like, I work hard to achieve what I am,” paliwanag niya.

Imahe mula sa Instagram | Michael Pacquiao

Ito nga raw ang mensaheng nais iparating ng kaniyang kanta. “In the song, I actually wanted to prove myself. That’s how I felt in the song. I wanted to prove that I can. I have talent and I have something. I don’t just rely on my parents.”

Dagdag pa ng bagitong rapper, batid niya ang pagsisikap na ginawa ng ama bago ito nakilala bilang isang boxing icon kaya nais niyang bumawi rito.

“I have desire to also give back. I want to work hard as well because my dad worked hard for everything he has and also for us. And I want to do the same — work hard for everything that I will have, that I want to have, and give back to my mom and dad because they did so much,” aniya.

Panoorin ang video rito:

Source :

PEP, YouTube

Loading…