Michael V pumalag sa paninisi sa kanya ng netizen sa paghina ng delivery business

Screenshot mula sa vlog ni Michael V
  • Sinagot ni Michael V ang komento ng isang netizen na nagsabing humina ang mga deliveries dahil sa naging pahayag niya
  • Matatandaang sinabi ni Michael V na ang “duda” niya ay sa deliveries niya nakuha ang virus
  • Nagpositibo sa COVID-19 ang aktor at nakarekober na siya matapos ang ilang linggong gamutan

Sa latest vlog ni Michael V – ang #BitoyStory – sinagot niya ang mga netizens na nagbigay ng komento sa kanyang mga nakaraang vlog. Isa sa mga binigyang-kasagutan ng komedyante ay ang tila paninisi sa kanya ng isang netizen tungkol sa paghina ng delivery business.

Screenshot mula sa vlog ni Michael V

Sinabi ng netizen na naapektuhan daw ang lahat ng deliveries kasunod ng pahayag ni Michael V na ang duda niya ay sa deliveries niya nakuha ang virus.

“Ask ko lang po kasi double meaning about saan niyo po posibilidad na nakuha ‘yung virus, sa item ba na dineliver o sa rider na nagdeliver? Kasi affected lahat  ng deliveries kasi po napalabas po siya in national television,” bahagi ng komento ng netizen.

Anang netizen, humina ang mga deliveries dahil daw sa ginawang pagpapahayag ng komedyante.

Matatandaang nagpositibo ang aktor sa COVID-19 matapos manggaling sa Batangas kasama ang pamilya.

Ayon sa kanya, tatlo lang daw ang taong nakasalamuha sa lugar na pinuntahan. Nagnegatibo naman sa virus ang tatlong tao at ang pamilya niya.

“So saan ko kaya nakuha ‘yung virus? Ang duda ko deliveries,” pahayag noon ni Michael V na ngayon ay magaling na.

Bilang kasagutan sa netizen, sinabi niya na malinaw ang naging pahayag niya at walang double meaning.

Screenshot mula sa vlog ni Michael V

“Malinaw naman ‘yung sinabi ko, walang double meaning. Sabi ko, ‘ang duda ko’… duda ha, hindi factual. So, pwedeng tama, pwedeng mali. Ang duda ko eh sa deliveries ko nakuha ‘yung virus,” aniya.

Paliwanag niya, bago umabot sa kanya ang bagay na inorder ay anim ang pinagdaanan at ang lahat ng mga iyon ay posibleng carrier ng mikrobyo.

Aniya, ang buong proseso ng delivery ang pinagdududahan niya at hindi isang tao lang. Nilinaw rin niya na hanggang ngayon ay nagpapa-deliver pa rin siya. Iminungkahi rin niya na i-sanitize at siguruhing malinis ang bagay na inorder bago gamitin.

Sa kanyang palagay, ang “double meaning” na binanggit ng netizen ay posibleng nagmula raw sa mga taong mahilig magbigay ng malisya sa mga nababasa o naririnig nila.

Screenshot mula sa vlog ni Michael V

Ang payo niya sa mga netizens na nakababasa at naiintriga  sa mga headlines ng mga balita ay basahin ang buong balita. Bukod sa pagbasa, importante rin daw na unawain at intindihin ang binasa.

Nasa 9:00 mark ng video ang sagot ni Michael V sa komento ng netizen:

Source :

YouTube, Bandera

Loading…