MVP, kinumpirmang nakikipagnegosasyon ang TV5 sa ilang talent at empleyado ng ABS-CBN

Imahe mula sa TV5
  • TV5 nakikipag-usap sa ilang talent at empleyado ng ABS-CBN
  • Kinumpirma ni MVP na handang i-hire ng TV5 ang mga cameraman, scriptwriter at director na mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN
  • Ang ABS-CBN ay magsasagawa ng retrenchment program simula sa August 31, 2020

Kinumpirma ni Manuel V. Pangilinan (MVP) na kasalukuyang nakikipag-usap ang TV5 sa ilang mga talents at empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho para sa posibleng paglipat sa kanilang network.

Imahe mula sa TV5

Nilinaw ni MVP na hindi naman ganoon kalawak ang nangyayaring negosasyon tulad ng iniisip ng marami. Nirerespeto umano ng TV5 ang anumang kontrata mayroon ang mga naturang talents at employees sa ABS-CBN Corp.

“I think there are ongoing conversations with their talents, but it’s not as expansive as one would assume because we are being careful with any contractual arrangements that these talents have with ABS-CBN, and we would like to respect that,” pahayag ng TV5 top honcho.

“Even if they don’t have any contractual obligations with ABS-CBN, we are careful. We respect whatever arrangements they might have with their mother studio,” sabi pa ni MVP.

Sa layuning makapagbigay ng trabaho at gumawa na rin ng mga bagong content sa kanilang network, handang i-hire ng TV5 ang mga cameraman, scriptwriter at director mula sa Kapamilya Network.

Imahe mula sa News5

Sa August 31, 2020 ay magsasagawa ng retrenchment ang ABS-CBN kaugnay ng non-renewal ng congressional franchise nito na nagresulta sa pagtigil ng ilang operasyon nito, kabilang ang TV at radio broadcasting.

Hindi nilinaw ng Kapamilya network kung ilang empleyado ang maaapektuhan ng retrenchment program na isasagawa, subalit tiniyak nito na makatatanggap ang mga empleyado ng separation pay at retirement benefits.

“As much as it hurts us to implement this retrenchment program, this is the only way to ensure the continued employment of the rest of our Kapamilya,” pahayag ng ABS-CBN noong nakaraang buwan.

Ang unang ABS-CBN employee na na-hire ng grupo ni MVP ay si Cathy Yang, ang dating news anchor at managing editor ng ABS-CBN News Channel (ANC), bilang Group Head of Corporate Communications ng PLDT.

Imahe mula sa Bilyonaryo
Source :

PEP, Reportr

Loading…