Tabloid nagpaliwanag sa pagsasapubliko ng ‘pekeng larawan’ ni Catriona Gray

Imahe mula sa Bulgar at Instagram | Catriona Gray
  • Naglabas na ng pahayag ang Bulgar tungkol sa demand letter na ipinadala ng kampo ni Catriona Gray matapos isapubliko ng tabloid ang maselan na pekeng larawan ng beauty queen
  • Paliwanag ng kanilang entertainment editor, ang intensyon nila sa ginawa ay upang ipaalam sa publiko na maaaring may mga gumagawa nito para sirain ang pangalan ni Catriona
  • Kumalat online ang sinasabing photo ni Catriona na kalaunan ay sinabi nilang fake at digitally altered

Nanindigan ang tabloid na Bulgar na ang intensyon nila sa pagsasapubliko ng kumalat na edited na larawan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ay hindi upang sirain ang reputasyon nito kundi tulungan siyang linisin ang kaniyang pangalan ukol dito. 

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Sa liham na pinirmahan ni Bulgar Entertainment Editor Janice Navida ay sinabi niyang nang malaman nilang may ganoong larawan umano ang beauty queen ay nais nilang ipaalam, hindi lamang sa kampo ni Catriona, kundi sa kanilang mga mambabasa na maaaring mayroong gumagawa nito upang sirain ang kaniyang pangalan.

Nilinaw naman ng kampo ni Catriona na fake at digitally altered ang larawan.

Suportado rin daw ng Bulgar ang ginawang hakbang ni Catriona na lumapit sa National Bureau of Investigation (NBI) upang mapanagot ang mga nasa likod nito.

“I hope too that you may see our intention to help you in clearing your name to the whole universe that the nude photo circulating online is fake and edited only,” ani Navida.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

“That’s why when we learned about your clarification on the matter, we quickly posted your camp’s statement on our Facebook page and website to enlighten everybody about the controversial photo.”

Dagdag pa ng editor, nang isapubliko nila ang larawan ay ginawa nila ang kanilang parte upang protektahan si Catriona “by not releasing the original photo sent to us. Instead, we blurred the private part.”

“One more thing, even if the name of our newspaper sound vulgar, we want you to see and understand that BULGAR stands for finding and revealing the truth with no bias. In fact, we can proudly say that we have well-known and credible writers from news, politics, entertainment, and sports that made us gain the credibility we have now and brought us to this point.”

Matatandaang iniulat ng PEP na nagpadala ang abogado ni Catriona ng demand letter sa Bulgar kung saan humihingi siya ng P10 milyon danyos at public apology dahil sa pagsasapubliko ng kaniyang pekeng larawan na nagdulot ng immeasurable damage sa kaniyang reputasyon.

Source :

Bulgar, DF Balita, PEP

Loading…