‘Nakakabilib, sobrang astig:” Chito Miranda ng Parokya ni Edgar hanga sa husay ni Michael Pacquiao

Imahe ni Michael Pacquiao mula sa Wish 107.5/inset mula sa Inquirer
  • Chito Miranda ng Parokya ni Edgar bumilib sa rapping skills ni Michael Pacquiao na napanood sa Wish Bus
  • Ani Chito, kung orihinal ang kanta ni Michael ay “sobrang astig” at kung hindi naman ay “ang galing pa rin”
  • Umabot na sa mahigit 8 million views ang performance ni Michael Pacquiao sa Wish Bus

Isa si Chito Miranda, ang frontman ng Pinoy rock band na Parokya ni Edgar, sa mga impressed sa ipinakitang rapping skills ni Michael Pacquiao nang magtanghal ito nang live sa Wish 107.5 bus kamakailan lang.

Imahe ni Michael Pacquiao mula sa Wish 107.5/inset mula sa Inquirer

Idinaan ni Chito sa isang tweet ang paghanga sa pangalawang anak na lalaki ni Sen. Manny Pacquiao.

Aniya, kung orihinal na komposisyon ni Michael ang kinanta nito sa Wish bus ay “sobrang astig” daw at kung hindi hindi man orihinal ay ang galing pa rin.

“Ayus din ‘yung tugtugan ng anak ni Pacquiao a…nakakabilib. Orig n’ya ba yun? Kung oo, sobrang astig. Kung hindi, ok lang…ang galing n’ya pa rin,” tweet ni Chito noong Martes, Auguts 11.

Noong June unang lumikha ng “ingay” si Michael nang ilabas nito ang rap composition na “Pac-Man” na nabuo sa collaboration nila ng kaibigang si Michael Bars. Si pambansang kamao Manny Pacquiao ang inspirasyon ng komposisyon.

Muling nakita ng publiko si Michael nang magpaunlak siya ng online interview sa morning talk show ng GMA na “Unang Hirit.” Dito niya unang ipinarinig ang isa sa mga nilikha niyang rap song, ang “Hate.” Ito rin ang kinanta niya sa Wish Bus na hinangaan ni Chito Miranda.

Screenshot ng tweet ni Chito Miranda

Ayon sa Virtual Pinoy, humakot ng mahigit tatlong milyong views ang video ng performance ni Michael sa Wish 107.5 sa loob lang ng isang araw. Ngayon ay may mahigit 8 million views na ito.

Labis namang ipinagmalaki ni Jinkee ang galing ng kanyang anak.

“Shookt ako kay Michael Pacquiao! Ang galing naman!” sabi ni Jinkee sa kanyang Instagram post.

BASAHIN: “Proud Mama! Jinkee Pacquaio ipinagmalaki ang rising rapper son na si Michael”

Buong mapagkumbaba namang pinasalamatan ni Michael ang lahat ng mga pumuri at naniniwala sa talento niya sa kabila ng pagdududa niya raw sa sariling galing.

Panooring muli ang performance ni Michael sa Wish Bus:

Loading…