Nakakain ka na ba ng saging con yelo with leche flan?

  • Ang saging con yelo ay yari sa saging na saba na nilagyan ng gatas, asukal, sago, at yelo
  • Ang leche flan naman ay likha mula itlog, asukal, at gatas
  • Paano kung pinagsama na ang dalawa?

Sa panahon ng community quarantine, marami sa atin ang nakaiisip na mag-food trip. Marami tuloy ang nag-eksperimento ng iba’t ibang uri ng putahe, magmula sa mga ulam hanggang sa mga dessert o panghimas. Ang ilan ay ibinebenta pa ito online. At napag-uusapan din lamang ang mga panghimagas, dalawa sa mga pinakapaborito riyan ay saging con yelo at leche flan. Subalit paano kung pinagsama ang dalawang ito?

Kaya naman, nagdulot ng pagkatakam sa mga netizens ang larawan ng saging con yelo with leche flan na ibinahagi sa Facebook page na “Pinoy Foods.” Sino nga naman ba ang hindi mapapakain kapag pinagsama na ang mga ito sa iisang baso?

Imahe mula sa Facebook page na Pinoy Food / Eatery

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow… saging con yelo is the best. Favorite ko pa ang leche flan. So ano na lang kapag pinagsama? Sweetness overload!” sabi ng isa.

Tila may sentimental value naman dito ang isa, “Kapag nakikita ko ang saging con yelo, naaalala ko ang namayapa kong lola. Lagi kasi siyang gumagawa niyan for our meryenda. Saka para kong naaalala at nakikita kung paano siya gumagawa sa kusina niyan, ako kasi ang tumutulong sa kaniya. Those were the days!”

“Sanay ako na may leche flan sa haluhalo, pero sa saging con yelo? Hindi ko pa nasubukan. Sabagay, para sigurong haluhalo rin, kasi halos pareho lang din naman ng mga sangkap. Wanna try soon,” wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Minatamis na saging na saba, may kinadkad na yelo, tapos lalagyan ng evaporada, lalagyan mo rin ng lechen plan. Matamis na saba con yelo. Puwede rin mais con yelo.”

Public Domain Image

Bagama’t masarap na panghimagas na sa magkabukod na usapin, wala namang masama kung pagsasamahin ang saging con yelo at leche flan; subalit limitahan lamang ang pagkain nito dahil masarap nga sa panlasa subalit masyado nang mataas ang sugar content nito. Kaya hinay-hinay lamang sa pagkain!

Source :

Reddit, Facebook

Loading…