Isang dekadang pangungulila: Misis kinantahan ang pinaniniwalaang mister

Image by Nenen Abelada/Aksyon Radyo Iloilo via Facebook
  • Ginang, isang dekada nang nangungulila sa mister na sakay ng lumubog na barko noong 2010
  • Nag-trending sa social media ang larawan ng lalaki na hawig ng asawa
  • Nag-video call sila at sabay pang kumanta ng “I Swear”

Matuldukan na kaya ang isang dekadang pangungulila?

Isang dekada makaraang lumubog ang barkong sinakyan ng asawang seaman noong 2010, naging madamdamin ang naging pagtatagpo nina Jennifer Emnace at ng pinaniniwalaan nitong kanyang mister sa pamamagitan ng video call.

Image by Nenen Abelada/Aksyon Radyo Iloilo via Facebook

Sa kanilang pag-uusap ay kinantahan ni Jennifer ng “I Swear” ang lalaki at sinabayan naman siya nito sa pagkanta. Ang “I Swear” ang paboritong kanta ng ginang at ng kanyang asawang si Nomer Emnace.

Ibinahagi rin ng ginang ang mga palatandaang magpapatunay sa pagkakakilanlan ng asawa katulad ng parte ng kanyang kilay sa kanan na hindi tinutubuan ng buhok, peklat sa noo at ang bukol sa hinlalaki sa paa.

Naganap ang video call sa tulong ni Lisa Corporal na siyang kumupkop sa lalaki at ng Aksyon Radyo Iloilo.

Habang nalulumbay si Jennifer, nagpadala naman si Lisa ng mga larawan ng lalaki upang maikumpara kung ito nga talaga ang asawa nito.

“Ito si Nonoy na ito. Super happy ko sir, uy!” ang wika ng ginang sa panayam sa Aksyon Radyo Iloilo.

Image by Nenen Abelada via Facebook

Pinaplano na ngayon ni Jennifer na puntahan ang pinaniniwalaang asawa at gusto ring magsagawa ng DNA test para makasiguro.

Isang dekadang pangungulila ng isang ginang sa nawawalang mister, matuldukan na kaya?

Napansin ang kuwento ni Nomer nang mag-post si Lisa sa Raffy Tulfo in Action Facebook group kung saan sinabi niyang, “Gusto ko lang po matulungan siya na makita siya ng kanyang mga pamilya, kung taga saan po siya. At paano siya mapagamot. Sa ngayon tulong-tulong kami dito sa pagbigay ng kanyang pagkain.”

Nag-trending ito hanggang sa makarating sa pamilya nina Jennifer ang balita. Nawa’y tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari at nang mabuo nang muli ang kanilang pamilya.

Image by Nenen Abelada via Facebook

Loading…